KABANATA 22

435 9 0
                                    

Warning Rated SPG

Pagkatapos nilang asikasohin ang kaso ni Felli at Joel ay naisipan ni Sienna na dalhin si Sean sa bahay nila Rachel para makilala nito ang kanilang anak, ngunit mas nauna na si Sienna na pumunta sa bahay nila ni Rachel dahil pumunta ng mall si Sean para mamili ng mga laruan.

“Babies, may surprise ako sa inyo later. This is your most awaited...Ang taong hinihintay niyo” masiglang sabi niya sa dalawa niyang anak

Napaisip din si Sienna na, ayaw niyang forever niyang itago ang mga anak niya sa katotohanan. Mas mabuti nang malaman nila na may daddy sila

“What is it mommy?” tanong ni Shin

“It's a surprise, Shin.” malamig na tugon ni Shawn

Malamig ang pakikitungo nito dahil nagbabasa ito ng libro

“I'm excited mom, and I'm sure Shawn is also excited too” sabi naman ni Shin

Ngumiti lang si Sienna, tumayo at naglakad palabas para hintayin si Sean sa labas. Saktong sakto naman ang paglabas ni Sean sa kanyang kotse habang hawak hawak ang mga pasalubong nito.

“Hey” tawag ni Sienna at agad itong pinag buksan ng gate “Pasok mo na lang kotse mo sa loob”

“No, it's okay. Wala naman yatang dadaan na ibang kotse r'yan and besides naka labas na ako”

Tinulongan na siya ni Sienna buhatin ang mga dala nito.

“They were excited to meet you. They were clueless kung ano ang surprise ko sa kanila” nakangiting sabi ni Sienna

Si Sean naman ay pinagpawisan siya, may excitement na may konting kaba na nararamdaman siya.

“Hey chill, be confident. Magugustohan ka nila” bulong ni Sienna sa kanya.

Pagpasok nila sa loob ng bahay ni Rachel ay agad nagsalita si Sienna

“Okay kids” agad nagsilingon ang kambal nang marinig nila ang boses ni Sienna “He is my surprise, Surprise!”

Agad tumakbo si Shin papunta kay Sean at tiningnan niya ito. Si Shawn naman ay sumunod sa kanya

“We looked a like” sabi ni Shawn habang nakapamulsa.

“Are you my Daddy?” tanong ni Shin habang nakatingala pa rin.

Umupo si Sean para maging magka level silang dalawa, lumapit na rin si Shawn at tumabi kay Shin

“Well, yes! I'm your dad” pag amin ni Sean

Agad napayakap sa kanya ang dalawang bata, kita kita nito ang saya sa mukha nila habang yakap yakap nila ang kanilang ama.

“I'm happy to meet you, Daddy” masiglang sabi ni Shin pagkatapos nitong magyakapan.

“Me too, Dad. I'm always praying that one day, we will meet and it's now happening” sabi rin ni Shawn

Napaiyak ng konti si Sienna, she finally reveal her greatest secret at parang nakunan ang tinik sa kanyang dibdib. Nawala ang bigat nito at napalitan ng kasiyahan

“I have something for the two of you, you guys open each brown paper” utos ni Sean sa kanya “And 'yong mga foods na binili ko sa inyong dalawa ay nasa table”

“Daddy, you don't need to buy a lot of toys for us, we will still accept you no matter what” Shawn said

Sean tapped Shawn's head

“You are my best version”

Agad tumayo si Shin at pumunta kay Sean

“Thank you, Daddy. I love you”

His Sweet Retaliation [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon