Kinabukasan mas pinili na lang ni Sienna na mag stay sa bahay ni Rachel, kesa sumama siya rito. Alam naman niya na palagi niyang nakikita si Sean kahit saan siya magpunta.
"Mommy, who's this?" pinakita ng anak niyang babae ang isang larawan ng lalaking nagpapatibok ng puso niya. Napaawang ang kanyang labi at agad kinuha ang picture sa kamay ng kanyang anak.
"Uhm, h-hes my friend, a good friend of mine" palusot niya kahit halos wala nang lumabas sa kanyang bibig dahil sa sobrang kaba niya
"Are you lying mommy?" tanong pa ulit ng kanyang anak.
Paano ko ba maiiwasan to? Should I tell her the truth or mananatili na lang akong magsinungaling sa kanya. Malalaman kasi nila kapag nagsisinungaling ako dahil namumula ang mukha ko
"No, I'm not lying. Remember lying is bad, But yeah that person is also part of our life. He is one of the reason kung bakit nandito kayo sa mundong ito" paliwanag niya
"Then, he must be our father mom." masiglang sambit nito
Mga bata talaga ngayon matalino
Napangiti na lang ng peke si Sienna sa sinabi ng kanyang anak.
"Okay, you play with Shawn na. May gagawin pa si mommy" utos niya sa kanyang anak
Nang makita niyang naglalaro na ang kanyang anak kasama ang lalaki niyang anak ay agad niyang binuksan ang kanyang laptop ngunit napatingin siya sa kanyang cellphone na may tumatawag na hindi niya alam kung kanino. Sinagot niya ito dahil baka importante
"Hello, who's this?" sabi niya sa linya
"This is Sean Sy speaking" nanlaki ang kanyang mata nang sabihin nito ang kanyang pangalan
Tumikhim siya "W-where did you get my number?" ma awtoridad niyang tanong
"I got this from your best friend, Rachel, since I have a very important news to you. Huwag mo sanang masamain, I'm not invading your privacy and I'm not here to make fun of you"
Tumikhim siya
"Mommy! Mommy!" pansamantala niyang na-i-mute ang tawag ni Sean dahil sa kanyang anak. Walang oras na hindi siya kinakabahan. Napalingon siya sa kanyang anak na masayang naglalaro. Tumayo siya at agad chi-neck ang kanyang anak kung okay lang ba ito.
"Shawn baby, can you take your sister in your room. Doon kayo maglaro since I have an important calls right now. Please?" malambing niyang saad sa kanyang anak
"Yes mommy" agad nitong sagot.
"Okay, thank you. Love you!" masiglang sabi niya at bumalik sa kanyang table.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at in-unmute ang tawag ni Sean
"I'm sorry, maingay kasi sa pagilid ko. What kind of news is that?"
"Your parents wants to talk to you, I already told them na innosente ka"
Hindi siya nakapagsalita agad. Parang mas lalong sumama ang kanyang loob
Kung kailan naka move on na ako saka naman sila kakausapin ako. Sinaktan nila ako kaya wala na silang karapatang kausapin pa ako
"So? dahil inosente ako kakausapin na nila ako. Nakakatawa naman sila... Sana hindi mo na lang sinabi sa kanila na inosente ako, sana hinayaan mo na lang sila na kalimutan na nag e-exist ako sa mundong ito. Sana hinayaan mo na lang na ganon ang tingin nila sa'kin" bulyaw ko
"Sienna alam kong pinutol mo na ang ugnayan mo sa kanila. Matanda na ang mga magulang mo. Hindi natin alam kung kailan pa sila rito sa mundong ito. Gusto ka lang naman nilang makita"
BINABASA MO ANG
His Sweet Retaliation [Under Revision]
RomansaSienna Kehlani Yu is a successful fashion designer who find herself entangled in a murder accusation of her twin sister. But with the protection of her parents she avoids conviction for there is no solid evidences. However, the wealthy business man...