KABANATA 16

487 5 3
                                    

After buying some groceries, Sean and Luke immediately went to the office. Si Luke ay nagtatrabaho na kay Sean, ito na ang naging sideline niya pagkatapos ng trabaho niya sa NBI. Kaya nagtatrabaho si Luke para kay Sean dahil naaawa na siya rito, lagi na lang itong walang tulog kaka asikaso sa mga negosyong iniwan ni Sienna.

“I feel like I saw someone who is the same as Sienna, kanina lang sa mall. Noong namimili tayo roon sa snacks area” saad ni Luke sa kanya habang naka harap ito sa lamesa.

Walang reaksyon si Sean sa sinabi ni Luke, wala itong emosyon habang pinaglalaruan ang ballpen. His eyes are tired and he's broke, 'yong pakiramdam na wala kanang pag asa at parang malaki ang pinagsisihan mo kung bakit humantong kayo sa ganon.

“Limang taon kanang ganyan, nakakatanda 'yan. Palagi ka na lang nakasimangot...ngumiti ka naman at tumawa”

Nag tsk lang si Sean sa kanya, ibig sabihin wala siyang pake sa sinasabi ni Luke

“I don't care about her anymore, ang dami niyang iniwan sa'kin. Kung nakita mo nga siya kanina ay malamang hindi siya 'yon, hindi na 'yon babalik dito”

Pero sana bumalik na siya, Gusto kong patunayan ang sarili kong nagsisi na ako sa mga ginagawa ko.

“What if bumalik siya?” tanong ni Luke

Hindi siya kaagad sumagot, nanatili niyang pinaglaruan ang ballpen niya.

He smirked “Edi tanggapin”

Natawa ng mahina si Luke sa naging sagot ni Sean, hindi siya makapaniwala rito.

“Talaga bang ikaw pa ang ganang tumanggap sa kanya. 'Di ba dapat siya ang gagawa non dahil una sa lahat kasalanan mo naman 'yon”

Laging pinapamukha ni Luke na kasalanan ni Sean ang lahat, para magsisi ito at para may ma realize siya tungkol kay Sienna. Naging effective naman ang ginawa niya dahil matagal na itong nagsisisi sa ginawa niya at lalo na marami na siyang bagay na natutunan sa buhay kaya nga lang masyado na itong seryoso, hindi mabiro at naging tahimik ito. Ang isang katulad ni Sean ay may kadaldalan at may kalokohan

“Palagi mo na lang pinapamukha sa'kin na kasalanan ko. Yeah I regret of letting her go, I regret about my planned revenge and lahat pinagsisisihan ko. I even wished na sana hindi na lang si Clauden ang una kong naging asawa because honestly kapatid siya ni Clauden, we have interactions, nakikita ko siya everyday. I even wished I never met her, kasi sinaktan ko siya... Hindi siya lalayo kung hindi dahil sa'kin”

Luke shook his head “Hindi mo dapat sinasabi 'yon eh pero dapat nga thankful ka dahil nagkakilala kayo kahit papano may pinagsamahan kayo pero you missed the chances, ang dami mong chance pero sinayang mo lang. Hindi mo alam baka may iba na siya ngayon. Look, it's been five years hindi ako naniniwalang walang pumopurma sa kanya”

Napakamot ng ulo si Sean, hindi niya kinakaya kung paano mag isip si Luke.

“You're overthinking. Hindi mo nga alam kung babalikan ka nong taong binalewala mo lang. Alam mo dapat hindi na tayo magkaibigan eh, kasi parehas tayong bad influence.”

“I want to be surrounded with good influence people pero kayong dalawa ang binigay ni Lord sa'kin. Mabuti pa si Simon tahimik na ang buhay” saad ni Sean

“Anong mabuti? Hindi nga natin alam kung saang lungga siya ngayon nakatira. Hindi ma contact at hindi ma text, aba'y swerte kung magpapakita 'yon”

They are still worried for Simon kung nasaan na ito, ilang taon na itong hindi nagpapakita sa kanila. Pag tumatawag dalawang beses lang sa isang buwan

Napailing na lang si Sean

“Mag trabaho kana, ayaw ko ng disturbo sa oras ng aking trabaho” masungit na sambit nito

His Sweet Retaliation [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon