KABANATA 15 : Paglaan ng oras

444 14 0
                                    

I wanted to deny my feelings for Zach because I knew Valerie would be hurt, sure na ba talaga ito? Pagmamahal na ba ito? My god I can't believe what I feel for him! Peru kahit ano man ang nararamdaman ng puso ko ngayon kailangan ko paring itanggi.

" May karapatan ka dahil asawa mo siya, Anabelle" Napaigtad ako sa gulat nang makitang nasa tabi ko na ang babaeng propeta, seryuso ang kaniyang mukha at ang nangingitim niyang mata ay marahang ibinaling sa'kin. " Ikaw ang Reyna bakit nagpapakontrol ka sa kaniya? Ang Reyna ay matapang at ipinaglalaban ang tunay niyang nararamdaman " Makabuluhan niyang sambit.

Napaiwas kaagad ako ng tingin sa kaniya at tumingin banda sa malayo.Ramdam ko kung gaano kabigat ang presensya niya, hanggang ngayon kinakabahan parin ako sa kaniya.Ang weird niya. " Bakit mo siya hinahayaan kung pwede naman kailangan mo siyang pigilan? " Malamig niyang tanong, alam ko kung sino ang tinutukoy niya.Si Valerie.

" Gusto mong malinawan? " Nilingon ko siya at ang maitim niyang labi ay ngumisi kaya nangilabot ako. " Kinamumuhian mo ang sarili mo dahil sa iyong nararamdaman para sa Hari.." Kumunot ang noo ko peru oo, nahulaan niya ang bagay na iyon.

" Huwag kang malito sa nararamdaman mo Anabelle dahil normal lang yan " Nilingon niya ako at hinarap. " Mahal muna ang hari..Ang nararamdaman mo ay pagmamahal kaya huwag kang mataka " Napaiwas kaagad ako ng tingin sa kaniya.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "Mahal mo si Haring Zach peru ayaw mong aminin at ayaw mong paniwalaaan ang nararamdaman mo " Mahina itong tumawa at umiling-iling kaya ang takot ay mas lalong nadagdagan.

" Ang babaeng iyon...Inaabuso niya ang pagiging mabait mo, tandaan mo mas may karapatan ka sa Hari dahil asawa mo siya " Lumakas ang tibok ng puso ko nang masilayan ang mukha ni Zach sa malayo, nakadungaw kami ngayon banda sa veranda ng kaharian kaya kitang kita ko siya sa malayo na tila kakauwi lang nila.

" Lumakas ang tibok ng puso mo at gusto mo siyang makita hindi ba Anabelle? " Malamig niyang tanong habang nakatingin sa malayo banda sa direksyon nina Zach.Napahawak ako sa dibdib ko dahil mas lalong lumakas ang pintig nito kaya nakita ko ang pagngisi ng propeta.

Blanko ang mukha niya nang humarap sa'kin bago kinuha ang kamay ko at pinagmasdan ang palad ko.Nagtangka ako para bawiin ang palad ko ngunit mas hinigpitan niya iyon.At pinagmasdan ang palad ko bago napangisi.Kinilabutan ako sa ngising iyon at tuluyang binawi ang kamay sa kaniya bago umatras at para makalayo sa kaniya.

" Magandang samahan bilang mag-asawa ang nakikita ko " Automatikong nagtagpo ang aming mga mata bago siya tumingin ulit sa malayo. " A-anong ibig mong sabihin? " Ilang segundo siyang tumahimik habang ako ay hinihintay ang maaari niyang maging sagot.

" Gusto mong malaman? " May diin sa boses niya habang nakatingin parin sa malayo. Napabuntong hininga ako at tumango sa kaniya at siya naman ay mas lalong naging blanko ang mukha. " Gaganda ang samahan ninyo bilang mag-asawa, peru sa kalagitnaan ng masaya ninyong pagsasama ay siyang pangyayari ang magpapabago sa lahat.Pangyayaring magiging kasuklam-suklam" Kinilabutan ako at nang tumingin siya nakita ko ang lungkot na dumaan sa kaniyang mga mata.

" Sana makayanan niyo iyon bilang mag-asawa" Napalunok ako ng wala sa oras at hindi maiwasang isipin ang sinabi niya.Pangyayaring magiging kasuklam-suklam?

" Marami akong nakikita peru tatahimik muna ako dahil mangyayari din iyon sa hinaharap" At pagkatapos no'n ay umalis na siya.Tinitigan ko siya habang papaalis hanggang sa hindi ko na siya matanaw.What she said was disgusting I was like curious what was that? I'm nervous dahil alam kong magiging totoo iyon.

" Mahal na Reyna hinahanap ka ng Hari " Napalingon ako nang makita ang babaeng dalaga na nakangiti na ngayon. " Dadalhin kita sa mahal na Hari, mahal na Reyna " Tumango ako at ngumiti bago sumunod sa kaniya.Nadaanan ko pa sina Rey at Drake na seryusong nag-uusap. " Mahal na Reyna nakauwi na si Zach, nakita muna ba? " Tumango ako kay Rey.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now