KABANATA 31 : Pagbalik sa kaharian

290 5 0
                                    

Usapan namin ni Zach na pupunta kami ngayon patungo sa mga magulang ko para sabihin na nagdadalang tao ako at para makapagpaalam kami, bukas na ang punta namin sa kaharian at wala pang kaseguruhan kung hanggang kailan kami mananatili do'n.

Napabuntong hininga ako nang maisip na malalayo na naman ako sa mga magulang ko, peru hindi naman pwedeng mahiwalay ako kay Zach.Hindi din naman papayag si Zach na iwan ako dito at maging ako ay hindi na hihiwalay sa kaniya.

" Don't worry we will visit them again " napalingon ako kay Zach nang sabihin niya iyon, marahil nabasa niya ang iniisip ko kaya ngumiti ako at tumango-tango.Nagpatuloy siya sa pagmamaneho habang ako ay tahimik na pinagmamasdan ang daan na aming tinatahak.

Ilang minuto lang ang tinagal namin sa pagbibyahe ay nakarating narin kami sa bahay ng mga magulang ko. " Be careful " hindi ko maiwasang mapangiti nang alalayan ako ni Zach bumaba sa kotse niya.Maingat talaga siya sa'kin lalo na no'ng nalaman niya ang pagdadalang tao ko.Ayaw niyang mapagod ako kahit wala naman akong ginagawa.

"Anak!" sigaw ni Mama nang makita kami sa labas ng gate, ngumingiting lumapit ako para bigyan si Mama ng yakap. " Hay salamat nakabisita kaagad kayo dito " usal ni Mama habang yakap ako. " Namiss ko kayo kaagad Mama " responde ko bago pa man lumapit si Zach at nagmano kay Mama.

" Hijo mabuti't nakapunta kayo " mahinang sambit ni Mama, kita ko kung papaano ngumiti si Zach kay Mama na tila ba close na close na talaga sila. " Kapag hindi busy mapapadalas ang pagbisita namin, Tita" magalang nitong sambit.

" Mama, si Papa at kuya? " ngumingiting tanong ko at bahagyang sumulyap sa likuran niya. "Nasa loob anak " pagkarinig sa katagang iyon agad na pumasok na ako sa loob at ramdam ang pagsunod ni Zach at si Mama sa likuran ko. " Mukhang busy kayo ah" agad na napalingon si Papa at kuya sa gawi ko.Kahit kailan itong dalawang 'to talagang mahilig magmovie marathon.

"Anak!"

" Princess! "

Napatayo sila kaagad at si kuya ay mabilis na pinatay ang TV bago sila lumapit sa'kin.Kakaibang kaginhawaan ang naramdaman ko nang isa-isa nila akong halikan sa noo. Nakangiting humarap ako sa kanila bago sulyapan si Zach na nasa tabi ni Mama.

" Dude.. " banggit ni kuya at bahagyang yumakap kay Zach si Papa ay nakangiting tinapik tapik sa braso si Zach mahahalata na masaya na sila kapag nakikita nila si Zach, parang pamilya narin ang turing nila kaya ito iyong bagay na nagpapasaya sa'kin.

" Akala ko itatago muna ang Prinsesa ko " pagbibiro ni kuya kay Zach kaya pinanlakihan ko siya ng mata.  " Dude simula ngayon ikaw na ang bagbabantay at mag-aalaga sa Prinsesa ko, alagaan mo siya " umakbay pa si kuya kay Zach.

" Malaki ang tiwala namin sayo at sana huwag mong sirain iyon, ipinagkakatiwala namin sayo ang anak ko " si Papa kaya nang lumingon ako kay Zach isang malawak na ngiti lang ang naging tugon niya na para bang sinasabi niyang siya ang bahala sa'kin.

" Don't worry, I will take care and protect my wife katulad ng ginagawa ninyo noon sa kaniya"hindi ko mapigilang tingnan siya habang sinasambit ang katagang iyon dahil tila may kung anong humaplos sa puso ko dahil sa narinig.Sina Papa at kuya ay napangiti at tumango-tango.

" Tamang-tama ang dating ninyo kakatapos ko palang magluto dito na kayo maghapunan" napatango kaagad ako sa sinabi ni Mama.Ito narin ang pagkakataon para makapag-paalam ako sa kanila.Naghanda na kami ni Mama ng hapunan hanggang magsimula na kami sa hapag.

Susulitin ko na ang pagkakataon na ito lalo pa't kompleto kami ngayon.Nasa tabi ko si Zach na nakangiting tumingin sa'kin pahiwatig na sisimulan na naming sabihin ang tungkol sa pagdadalang tao ko.Tumikhim na muna ako para makuha ang atensyon nila. " Ahm...May sasabihin kami ni Zach " napatingin sila sa'kin at kay Zach. "Ano iyon anak? " si Mama na masaya ang mukha habang nakatingin sa'min.Si Papa at kuya ay hinihintay ang sasabihin ko.Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila peru bahala na.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now