KABANATA 28 : Pag-amin

283 4 0
                                    

 

Umaga na nang magising ako at agad na kinapa ang hinihigaan ni Zach, napabangon ako kaagad at gustong batukan ang sarili nang maisip na hindi pala siya pwedeng manatili dito, marahil baka mga madaling araw siyang umalis.Nasanay kasi ako sa kaharian na siya ang nasa tabi ko.

Parang namiss ko na naman siya.At least naging masaya narin ako dahil binalikan niya ako at wala na akong dapat pangambahan. Seseguraduhin kong hindi na ako mahihiwalay sa kaniya.Mga alas syete na nang magtungo ako sa bathroom at pinaliguan ang sarili.Napahawak ako sa ulo nang umikot na naman ang paningin ko bago pa man ako makatapos sa bathroom.

Napabuntong hininga ako at saglit na nagsuot ng damit bago ako humiga ulit sa kama, mabigat ang pakiramdam ko at wala akong ganang kumain ng almusal ngayon.Hindi ko  maiwasang mapangiti nang maalala kagabi si Zach, nakatulog ako ng maayos dahil nasa tabi ko ang hari.

Hindi ko namalayan na nakatulog ulit ako,nagising lang ako nang may sunod sunod na kumatok sa pintuan ko kaya naiinis na bumangon ako dahil inaantok pa ako.Sturbo talaga. " K-kuya bakit? Natutulog ako- " napatigil ako nang makita ang seryuso niyang mukha.

" Ayusin mo sarili mo, may lalaking naghihintay sayo sa labas" aniya gamit ang malamig niyang boses.Anong nangyari kay kuya? Parang nakakakaba naman ang aura niya ngayon. "Sandali lang kuya, lalaki? Sino? " akmang tatalikod na si kuya nang magtanong ako.

" Zach. " dumagongdong ang puso ko nang marinig ang sinabi ni kuya.Seryuso lang ang mukha ni kuya at ako ay hindi maiwasang matulala.Si Zach? Nandito na siya?


Kinakabahan ako peru hindi ko maiwasang humanga sa kaniya dahil naging matapang siya para harapin ang mga magulang ko.Nagmadali ako sa pag-aayos at nagmadaling lumabas sa kwarto.Nasa hagdan palang ako nang maabutan kong tahimik at seryusong pinagmamasdan ni kuya at Papa si Zach.

Samantala si Mama ay pinagsisilbihan  si Zach na abala sa paghanda ng maiinom.Hindi pa ako tuluyang nakakababa sa hagdanan nang automatikong nagtagpo ang mga mata namin ni Zach, may kung anong emosyon ang dumaan doon habang kumikislap-kislap ang mata niya.Malakas ang tibok ng puso ko at ngumiti kay Zach ngunit napatigil nang makita ang seryusong mukha nina Papa at kuya na mariing din nakatingin sa'kin.

Handa na ako.Handa akong harapan sila at buong tapang namin sasabihin ni Zach na kasal kami, na asawa ko na si Zach. " Anak, good morning " lumapit si Mama at hinalikan ako sa noo, ramdam ko ang titig ni Zach sa'kin na tila pinagmamasdan ako.

" Good morning Papa " lumapit ako kay Papa at bahagyang hinalikan ang pisngi niya si kuya ay tumango lang at sinenyasan akong maupo sa tabi ni Zach, aminadong kabado ako at paniguradong alam iyon ni Zach, naupo ako sa couch at bahagyang napasulyap kay Zach na nakatingin lang din sa'kin.

" Kilala mo ba ang lalaking yan? " halata sa boses ni Papa na seryuso siya at walang emosyong tumingin kay Zach, nagkatinginan kami ni Zach bago ako humarap kay Papa. "Opo Papa, kilala ko po siya" walang pag-aalinlangang sagot ko.

" So totoo ang sinabi ng lalaking yan na magkakilala kayo at may relasyon kayo? " seryusong tanong naman ni kuya.Kung titingnan silang dalawa talagang nakakatakot, talagang kinakabahan ako peru mas lalo ko lang din nilalakasan ang loob ko.

" Nagsasabi po siya ng totoo kuya. Ayaw ko na pong magpaligoy-ligoy pa, mahal ko po siya mahal namin ang isa't isa " paniguradong nasabi na ni Zach ang katagang ito peru gusto ko paring patunayan.Marahil naunahan na ako ni Zach.

" Don't worry I will love your daughter and I promise  that I will not hurt her.Mahal na mahal ko si Anabelle at gagawin ko lahat para mapasaya ang anak niyo " seryusong sambit ni Zach kay  Papa at desidido talaga siya sa plano namin.Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now