KABANATA 63:Paalam

195 4 0
                                    

Una kong hinanap si Zach at mabilis siyang nilapitan. " Zach a-ano 'to? Bakit kami aalis? " diretso niya akong tiningnan at hinawakan ako sa mukha " Mangyayari na.Save your life and our child." agad na tumulo ang luha ko at niyakap siya.Grabe iyong luha na kumawala sa mata ko at parang kinurot ang puso ko.

Parang ang hirap na iwan ko siya dito.

Hindi ko naman puwedeng sabihin na tumakas din siya at iligtas niya ang buhay niya dahil unang-una sa lahat Hari siya.Siya ang inaasahan ng lahat. " Leave wife, huwag mo akong alalahanin- " mabilis ko siyang niyakap.Mahigpit na yakap at ang aking mata ay nanlalabo na dahil sa hilam kong luha.

" Z-zach.Mangako ka ulit na babalikan mo k-kami.B-balik kang buhay."

" Mahal na Reyna kailangan na nating umalis! " sigaw ng isa sa mga babaeng bampira.Pasensiya na Zach parang ang hirap sa akin na umalis peru sabi mo nga para makaligtas kami ng anak mo.Bago ako umalis gusto ko ulit marinig ang pangako niya.Iyon lang naman.

" Wife.."

" Mangako ka, Z-Zach..b-babalikan mo kami.Ipanalo mo ang laban." pagsusumamo ko at sa banda sa labas tanaw na nga namin ang madaming kalaban, sobrang dami nila ngayon halatang pinaghandaan din.Mas lalong tumulo ang luha ko at tiningnan si Zach sa mata.

" Mahal na Reyna, aaalis na tayo! " sigaw ulit ng babae peru hindi ko pa naririnig ang pangako ng asawa ko hindi ako aalis hangga't hindi ko iyon naririnig.

" Mahal na Reyna umalis na kayo.Iligtas mo ang sarili mo maging ang mga bata." usal ng babaeng propeta peru hindi ko magawang pansinin iyon. Buong atensyon ko ay kay Zach.

" Mahal na Reyna  umalis kana! " pananaboy pa ni Rey na mas lalong nagpatulo sa luha ko.

" Z-Zach...Mangako k-ka.B-balikan mo k-kami ng mga b-bata." doon ko lang din napansin nang bumagsak ang luha sa mata niya at umiwas kaagad ng tingin sa'kin. " Leave wife." aniya, peru bakit? Simple lang naman ang hinihingi ko eh.Simple lang naman Zach bakit hindi mo maibigay iyon?

B-bakit?

Nang tumingin ako kay Rey ay siya ding pagbagsak ng luha sa mata niya habang ang babaeng propeta ay may iba't ibang emosyon na makikita sa mukha. " Zach, a-aalis lang ako kapag nangako ka na babalik kang buhay." peru kinakabahan ako at hindi ko iyon maipaliwanag.

" Mahal na reyna kasi- "

" Rey! " biglang pigil ni Zach sa sasabihin ni Rey.Tumingin sa akin si Zach at mabilis akong hinalikan sa labi bago ako niyakap ng sobrang higpit. " Promise.Babalikan ko kayo." at sa wakas narinig ko ulit ang pangako niya na panghahawakan ko.Muli ko siyang niyakap at hinalikan sa labi.

" Mahal na mahal kita, babalik ka, hihintayin kita." may sasabihin pa sana ako peru may humila na sa akin papalayo kay Zach, doon ko narin napansin na nagsimula na palang lumusob ang mga lobo.Iwan ko peru ang sakit.

Ang sakit na  nakabara sa puso ko ay hindi maalis hanggang sa tuluyan na nga naming nilisan ang kaharian ni Zach.May iilang kawal kaming kasama may dalawang babae .Ang nasa bisig ko lang ay si baby Bella Zachea, si baby Zion Zachero ay nasa bisig ni Valerie at lumuluha  din si Valerie dahil ayaw niyang iwanan si Drake.

Habang tumatakbo papalayo sa kaharian rinig ko ang ingay ng mga lobo, automatikong napatingala ako sa makulimlim na kalangitan at nadatnan ang bilog na buwan na kulay dugo .Hindi ko alam kung ano pa ang senyales  sa wangis ng buwan peru kinakabahan parin ako.Bukod sa mangyayari na nga ngayon ang dilubyo parang may nais pa itong iparating.

Lakad takbo.Iyon ang ginawa namin.Pigil ako sa emosyon at luha ko peru hindi ko magawang pigilan parang may kalahati sa puso ko na hindi ko magawang ipaliwanag peru matinding lungkot ang nararamdaman ko.Pagliko namin sa kanan ay siyang pagsulpot ng limang lobo na labis kong ikinataranta.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now