KABANATA 51: Weirdong pakiramdam

216 4 0
                                    

 

WARNING: SLIGHT SPG

" B-bakit mo naman naisipan na dalhin ako dito?" malamig ang  boses na naitanong ni Anabelle at walang emosyong nilingon si Zach sa likuran niya. " I just wanted. " napaasik lang si Anabelle at umiling-iling. "Anong maganda sa kadiliman? Parang ako lang, nasa kadiliman walang kalayaan." naging matigas na usal pa nito.

Napabuntong hininga si Zach dahil halata sa boses ng Reyna ang matinding lungkot kung kaya't marahan siyang lumapit at marahan na inilingkis ang dalawang braso sa katawan ng Reyna. " I don't want to lock you up, I'm doing this because I don't want to lose you again." natahimik si Anabelle at mariin na napapikit.

" I have no choice. " napalunok si Zach. " I can't lose you anymore. I need you, our twins need you." dugtong pa ni Zach na mas lalong ikinatigil ni Anabelle, hindi niya maiwasang malito sa nararamdaman kung bakit tila biglang may gumuhit na lungkot sa puso niya.

Naweweirdohan siya sa pakiramdam na ngayon lang niya naramdaman.Tahimik lang siya nang ilang segundo hanggang sa namalayan niyang marahan na umikot ang katawan niya paharap kay Zach.Nakahawak ang dalawang kamay ni Zach sa bewang niya habang mariin ang titig sa mata ni Anabelle.

" I love you wife..."

" A-alam mong may asawa ako Zach. "

' 𝐀𝐤𝐨 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐚𝐰𝐚 𝐦𝐨.𝐍𝐨 𝐨𝐧𝐞 𝐛𝐮𝐭 𝐦𝐞.'

Sa isip ni Zach ngunit ayaw niyang sabihin iyon.Ngumiti lang siya at marahan na itinaas ang isang kamay para haplusin ang pisngi ni Anabelle. " Wala akong pakialam kahit may asawa ka." bagkos iyon lang ang nasabi niya, kakaibang emosyon ang dumaan sa mukha ni Anabelle na nahahalata ni Zach.

" M-mali iyon Zach.."

" I told you, I don't fvcking care. " magaan ang kaniyang palad habang hinahaplos ang pisngi ni Anabelle na ikinapikit ng asawa niya.Kalaunan ay hindi niya matiis na ilapit ang mukha at marahan na siniil ng halik si Anabelle na ikinatigil nito.

Nasa tahimik na kagubatan lang sila ngayon hindi masyadong madilim ang parte ng gubat dahil kahit paaano ay may ilaw ng buwan galing sa taas.Hindi malaman ni Anabelle kung ano ang pakiramdam na nararamdaman niya ngayon, aminadong gusto niya ang halik ni Zach ngunit may bumubulong sa kaniya na mali ang halikan siya kung kaya't mahina niyang naitulak si Zach.

" Ang tigas ng ulo mo, mali nga ito may asawa ako.Mahal ko si Arkuz ayaw kong lokohin ang asawa ko. "

" Really you love him? So bakit mabilis ang tibok ng puso mo? " Zach asked while smiling. This is the first time na tumibok ang puso niya nang dahil kay Zach, ngayon lang naramdaman ni Anabelle na sobrang bilis ng tahip ng puso niya kaya natakpan iyon gamit ang kaniyang palad.

" I can hear your heartbeat. Is that normal? " Zach asked teasingly.Nabuhayan ng loob si Zach nang makita ang senyales at epekto sa ginagawa niya.Nagawa niyang pabilisin ang tahip ng puso ng Reyna na labis niyang ikinatutuwa.

" Y-yeah.Normal lang 'to." matigas na segunda ni Anabelle at namumula ang pisngi na iniwas ang tingin sa ibang direksyon.Naging malawak naman ang ngiti sa labi ni Zach bago niya marahang hinapit ang bewang ng Reyna. " Ano bang ginagawa mo? Lumayo ka nga! " pagtataray ni Anabelle ngunit hindi iyon pinansin ni Zach.

" Nakakainis kana! Lumayo ka! " suway ng Reyna ngunit marahan lang na sumubsob ang mukha ng Hari sa leeg niya kaya hindi niya magawang igalaw ang katawan niya.Tinatanggi niya ang kakaibang nararamdaman sa Hari, ayaw niyang lumapit ito dahil baka mas lalong marinig ang lakas ng tahip ng puso niya.

" I'm happy that I made your heart beat faster, wife.Anyway what does this mean?"

" Bakit ano ba ang iniisip mo? " mahina niyang itinulak si Zach at lumayo siya.Marahas na napabuntong hininga siya habang si Zach ay malawak parin ang ngiti. "Umalis na tayo dito.Bakit mo ba kasi ako dinala sa walang kuwentang lugar na 'to?" naiinis na tanong ni Anabelle at aktong tatalikuran si Zach nang mahawakan siya nito  sa pulusahan.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now