KABANATA 46 : Argumento

171 4 0
                                    

Umaga na nang magising si Anabelle sa hindi niya kilalang kwarto at napatingin sa lalaking lapastangan na nagagawa siya nitong yakapin ng sobrang higpit.Napakuyom ang kamao ng Reyna at halos hindi narin maipainta ang galit nitong mukha.

Sunod-sunod na bumalik sa kaniya ang nangyaring pagkuha sa kaniya ni Zach at kung papaano mawalan ng malay ang kinikilala niyang asawa na si Arkuz.Nakamamatay na tingin na pinagmasdan ang mala-anghel na lalaki na mahigpit na nakayakap sa kaniya.

Gustuhin man niyang pagbuhatan ito ng kamay ay hindi niya magawa dahil nakatali ang kamay niya sa headboard ng kama.Napagtanto din ni Anabelle na maging ang dalawa niyang paa ay nakatali kaya ginalaw-galaw niya ang paa niya.Galit na iniwas ang katawan sa lalaking nakayakap sa kaniya.

" Oh, you're awake.."

" Pakawalan mo ako!" halata sa boses ni Anabelle ang matinding galit.Sa uri ng tingin niya ngayon kay Zach ay halos patayin na niya ito. Sinubukan niyang gumalaw nagbabakasakaling na baka makawala siya sa tali ngunit hindi.Mahigpit ang pagkakatali sa kaniya.

" It's too early to fight your husband, my wife.Hindi ba pweding maglambingan muna tayo? " alam ni Zach na dahil sa lason ay talagang wala itong maalala ni kahit na katiting tungkol sa nakaraan nila.Peru gusto niyang makitang maasar ang asawa niya.

Mariing pumikit si Zach. " Not now hmm? Alam kong aawayin mo talaga ako but please let's be friends now. Just calm down, don't get angry." si Anabelle na sobrang sama parin ng tingin  kay Zach.

" Pakawalan mo ako sabi! Ibalik mo ako sa asawa ko! Ibalik muna ako! "

" Nope, you will stay here, whether you like it or not, you'll just stay here by my side."

" I hate you! I hate you! " puno ng pagkamuhing sigaw ni Anabelle kay Zach, aminadong masakit kay Zach na marinig ang katagang iyon sa babaeng mahal niya.Nasaan na pagmamahal niya sa Hari? Pagkamuhi at galit ang kumakain sa katawan ni Anabelle embes na pagmamahal, mas nanaig sa puso't isip niya ang pagkaayaw sa mahal niyang asawa.

" I love you, wife.Hindi ka naman maniniwala tsk! " ngumisi lang si Zach at mas piniling itinago ang sakit sa inaakto ngayon ng asawa niya.Mabisa parin ang lason sa katawan ni Anabelle at kahit anong ipaliwanag sa kaniya ay talagang sarado ang puso at isip niya para paniwalaan na nalalason siya kaya hindi niya maalala ang nakaraan niya.Kahit anong paliwanag hindi paniniwalaan ng Reyna kaya ayaw na ring sabihin ni Zach ng paulit-ulit na siya ang tunay na asawa.

" I only love Arkuz.Ang asawa ko lang ang mahal ko! Pakawalan muna ako bakit mo ba ginagawa 'to? "

' Because I'm your husband and I'm doing this because I love you, wife' sa isip ni Zach at pilit nilalabanan ang sakit sa puso niya.Kahit tila nalalason ang asawa niya ay hindi parin niya maiwasang masaktan sa mga katagang iyon.

" Pakawalan muna ako! "

" I won't do that.." ngumisi si Zach at hinaplos-haplos ang pisngi ni Anabelle na ngayon ay mas lalong sumabog sa galit.Galit na  iniwas nito ang mukha sa palad ni Zach at pilit na lumalayo sa lalaki. " Huwag mo akong hawakan! Kapag nakalaya ako papatayin kita.Tandaan mo yan! "

" Okay..."

Nakangiti na ang mukha ni Zach. " Ibang-iba na talaga ang mahal ko.Ang tapang but I like it mas lalo kang gumaganda. " nakangiting papuri ni Zach at pilit na niyayakap ang asawa kahit na tudo iwas ito sa kaniya. "Huwag mo akong hawakan! Malilintikan ka sa'kin!" nagbabanta ang boses nito na mahinang tinawanan ni Zach.

" You scare me wife, matatakot na talaga ako."

" Asshole! " gigil na gigil na si Anabelle peru si Zach ay matamis parin ang ngiti nito sa asawa at ang bagay na ikinagagalit nito ay mas lalo niyang ginawa. " Huwag mo akong hawakan! Lumayo ka! " ngunit embes na humiwalay sa kaniya si Zach ay mas lalo siya nitong hinapit papalapit sa kaniya at ang mukha ay mas isinubsob sa leeg ni Anabelle.Ang malaki niyang braso ay mas lalong pumulupot sa bewang niya kaya mas lalong domoble ang galit ng Reyna.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now