KABANATA 24 : Pagbalik sa lungga

300 6 0
                                    

Habang tumatagal na magkasama kami ni Zach ay mas lalo lang lumalalim ang pagmamahal ko sa kaniya. Hindi din siya nagkulang sa pagmamahal na ibinigay niya at ramdam ko kung papaano niya ipinaramdam ang pagmamahal niya sa'kin.

Hindi naman siya nagkulang ng oras at atensyon sa'kin peru noong nakaraang araw, isang araw at isang gabi siyang nawala sa kaharian, katulad ngayon wala na naman siya peru hindi ako dapat magreklamo, oo asawa ko siya peru Hari siya at inaatupag niya parin ang makakabuti sa kaharian niya.Kailangang may oras din siya sa kaharian.

" Mahal na Reyna nakauwi na ang mahal na Hari hindi mo alam? " napalingon ako kay Ardee nang lumapit ito sa'kin. " Talaga? Kailan pa? " usisa ko nang nakakunot ang noo. Bakit ngayon lang niya ako binalitaan na narito na pala ang Hari?

" Bakit ngayon mo lang sinabi? " naiinis kong tanong.Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis at kay Zach. Napayuko ito bago nagsalita ulit.

" Buong akala ko mahal na Reyna dumeritso siya dito " aniya dahilan kaya napabuntong hininga ako.Hindi ba niya ako namiss at hindi lang pumunta dito? Sumagi sa isip ko na baka naging abala siya kaya ang ginawa ko ay umalis ako sa kwarto at nagtungo sa trono niya.

Pagkarating doon ay siyang pagtama ng tingin ko sa direksyon niya na nakikipag-usap kay Valerie.Si Valerie na nakangiting kaharap siya ngunit ang mukha ng Hari ay nanatiling blanko, hindi nakatakas sa'kin ang huwag mainis kay Zach dahil naikuyom ko nalang ang kamao ko sa pagkakaalam na hindi naman siya busy at si Valerie ang pinagtutuunan niya ng pansin.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na nagbago na si Zach, iisipin ko palang iyon ay parang nasasaktan na ako. D*mn bakit ko ito naiisip? Aksidenting napalingon si Zach sa gawi ko at nagtagpo ang aming mga mata bago dumaan sa mukha niya ang malambot na ekspresyon.Umatras ako at pinag-ikutan siya ng mata bago ako tumalikod at umalis na.

Hindi ba niya naisip na nababagot na ako sa kakahintay sa kaniya tapos naglaan pa talaga siya ng oras kay Valerie? Sinong hindi maiinis? Anabelle kalma ka lang, huwag mong pairalin ang selos mo, but f*vck I can't control my self.Nagmumura ako habang tinatahak ang daan patungo sa dating kwarto ko.Nagtataka tuloy ang mga alagad ni Zach.

Pabagsak akong nahiga sa kama at tumagilid bago ako napayakap sa unan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko peru nagtatampo talaga ako.Kung hindi lang ako binalitaan ni Ardee magpahanggang ngayon ay wala parin akong alam na nakauwi na siya.Ano bang trip niya na parang pinagtataguan pa niya ako.Hindi ko siya maintindihan.

Ilang segundo kong hinintay nang biglang bumukas ang pintuan at ramdam ang presensya ng isang lalaki.Kahit hindi ko tingnan alam kong si Zach ito peru masama ang loob ko kaya hindi ako nag-abalang lingunin siya. " Wife.." malambing ang boses niya at rinig ang yabag papalapit sa pwesto ko.Ilang sandali ko lang hinintay nang lumubog ang kama sa tabi ko senyales na narito na siya sa likuran ko.

Hindi ko siya pinansin at nanatili lang sa posisyon ko habang hindi nakatingin sa kaniya. " I know you're jealous, I can read what you're thinking " hindi ko siya pinansin at nang maramdaman ang hawak niya sa braso ko ay hinawi ko iyon. Unti-unti na kaya siyang nagbago? Ito iyong bagay na kinatatakutan ko.Napamahal na ako sa kaniya ng sobra at ayaw kong dumating sa punto na masasayang lang ang lahat ng pagmamahal na iyon.

" I'm sorry...Pupuntahan naman talaga kita kaagad peru tinawag ako ng mga pinunong babaylan para sa pagpupulong.I promise I want to visit you because I miss you but it was a long time before I left " hindi ako nakaimik nang bigla kong naramdaman ang yakap niya sa bewang ko at ramdam ang paghalik niya sa nakalantad kong braso.

Naiinis na inalis ko ang braso niya na parang ahas sa bewang ko. " Lumayo ka sa'kin huwag mo akong yakapin " seryusong sambit ko dahil narin ito sa sama ng loob ko sa kaniya. " I'm sorry..Please don't do this "

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now