Chapter19⇨Heartbroken2❤

8.5K 275 14
                                    

Ano feeling niyo pag MONDAY?


Para sa akin nakakatamad..


hahaha.


Well, Himala at di ako late ngayon dahil kung may ma late may fine na 150 pesos. May fine dahil negosyo yan ng PDF namin sa Grand fair.


Grandfair na! Yung iba busy na sa sariling booths nila at stalls.


Pinag pwede din pumasok ang mga taga outsiders para benta at enjoy daw ang school year..


Ngayon andito kami sa lobby. dito kami nakapwesto. Yung photographer namin eh
ang class president.


Ngayon day namin para magbantay sa booth. Kung
tatanungin niyo kung san si Colene andun sa mga rides. sana mahilo yun sa kasasakay,hahaha!


"ah. Alex, pwede favor?" tanong ni class pres.


"ano yun?"


"bili ka nalang ng pagkain natin. snacks lang. hehe. pasama ka nalang kina bruno at Mars." Tumango nalang ako at sumunod si bruno at mars sakin..

"GOTCHAAAAAAAA! Nahuli na natin ang may sala!" sigaw ni...Paul? Si paul ka batch ko siya pero nasa section C siya.


"anong sabi mo?!" tanong ko.


"sabi ko nahuli na namin ang may sala! bingi ka ba?!" sarcastic na sabi ni Paul.


Anong......Naknam! Bat ako nakaposas! Anong pakulo ng booth nila to. -___________-


"hoy! ano ba paul. tanggalin mo nga tong posas sa kamay ko. bibili pa ako ng pagkain namin!" tiningnan ko sila bruno at mars..


"Alex. kami nalang ang bibili. Isasabi nalang rin namin kay Jen( class president) na may kaso ka pang haharapin!" tapos
tumakbo na silang dalawa. ano ba to! iniwan nila ako dito, huhu


"TARA NA! SUMAMA KA NA!" sabi ni paul at tinulak tulak niya ako..


"Ano ba! Saan yung susi nito? ayoko nito. huhuhu!" pag iinarte ko.


AVENGERS HELP ME!


"Nilunok ko na!" Abnormal talaga tong paul na to. -_______-
pengeng walis. papalo ko lang sa pwet nito.

"baliw ka paul!"

"uyy, chakang beki, nawala na pala yung braces mo? nabawasan na rin ang,,,"

"sige paul ituloy mo! baka itong posas ipapalunok ko sayo pag natanggal to! teka.. bakla ka ba?" sabi ko. Nagulat naman si Paul sa sinabi ko.

"anong bakla? igagaya mo pa ako sayo? hah!" sabi niya at nag pogi pose at inayos niya ang buhok niya na parang pina suave style..


"Kung maka chaka kasi eh.hahaha"


"halikan kita eh!"


"yung paa ko paul ang halikan mo. hahah!"


"abnormal ka Alex! lika na." tapos dumiretso kami sa booth nila. Jail booth pala ang sa section c. tapos ipinasok na nila ako sa room nila.


Isasara na sana ni paul yung room ng pinigilan ko..


"uy Paul! susuhulan kita ng pera. tanggalin mo tung posas sa kamay ko at palayain mo na ako. huhuhu!" pagmamakaawa ko.


Revenge ni Beking Nerdy(BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon