Mariposa

9 0 0
                                    

Malaya sa mundong kinabibilangan niya
Hindi hadlang ang kulay para masabing maganda ka
Kay gandang pagmasdan habang lumilipad-lipad
Minsa'y gusto kong maging katulad niya

Malaya, malaya, malaya
Gusto ko maging malaya

Iba-iba ang kulay, itsura, at ugali
Ngunit iisa lang ang natatangi, lahat tayo'y may puso
May puso para sa bawat isa, handang umagapay at umalalay
Hindi iniisip ang sariling kapakanan basta't makatulong sa iba

Kailan ba ito nagsimula?
Kailan ba tayo titigil makipagkumpara?
Kailan ba tayo mamumuhay na walang hinanakit sa bawat isa?

Poèmes de l'imaginationWhere stories live. Discover now