Panibagong Kabanata

5 0 0
                                    


Wala lang ba ako sa iyo?

Bakit parang wala kang pakiramdam

Madali lang ba sa iyo ang lahat?

Tila walang pag-aalinlangan


Siguro nga, wala lang sa iyo ang lahat

Pero para sa akin ang bigat

Araw-araw kang tumatakbo sa isip

Hindi ka ba napapagod?


Ako kasi pagod na


Pagod na mahalin ka 

Napakahirap mong abutin

Para kang langit

Ako naman ang lupa


Hanggang dito na lang

Mahirap man, kakayanin ko

Ibalik ang dating ako

Babalik sa simula 


Nung wala ka pa sa tabi ko


Poèmes de l'imaginationWhere stories live. Discover now