Para Sa Pangarap

221 1 0
                                    

Tayo'y nasa makabagong pamumuhay na
Dulot ng pandemya
Nakakalungkot isipin na hindi na katulad ng dati
Masaya na parang walang problema

Akala ko ako'y mahihinto
At hindi makakasunod sa kanila
Dahil sa makabagong pagtuturo gamit ang teknolohiya
Ngunit kaya ko pala,  na sumabay sa kanila
Mahirap,  pero kakayanin para sa pangarap

Huwag magpa-apekto sa mga nangyayari sa mundo
Ituloy ang buhay na parang gaya ng dati
Pero laging tatandaan na lahat tayo'y nahihirapan,
Hindi lamang ikaw ang may pinagdadaanan
Kaya huwag kang sumuko, ituloy mo ang laban

Poèmes de l'imaginationWhere stories live. Discover now