Mag-isang Umiibig

4 0 0
                                    

Nahulog nang lubos

Sa walang kasiguraduhan 

Pag-ibig na walang patutunguhan

Hanggang dito na lamang


Mag-isang nalulugmok 

Tuwing gabi

Iniisip ang mga pangyayari

Binubuo sa isip, at muling luluha


Walang karapatan 

HIndi puwede umasa 

Bakit nga ba ganito?

Paano ba umalis?


Ang hirap 

Muling bubuuin 

Ang sarili 

Ibabalik ang dating sigla


Para hindi na maisip pa

Ngayon ako ay maayos na 

Matagal na panahon 

Din ang inilaan 


Para sa paghilom


Kamusta ka?

Sana ay maayos ka

Salamat

Dahil sa'yo ako ay natuto


Maging malakas

Maging wais 

Mas mahalin ang sarili

Dahil do'n nakita ko ang aking halaga



Poèmes de l'imaginationWhere stories live. Discover now