Pagninilay-nilay

422 0 0
                                    

Dumating ako sa punto ng buhay ko na
Hindi naman pala kailangang maging ganito, ganiyan, o kung sino pa man
Kundi maging kung ano ba talaga ako
Hindi ko pala kailangang magkunwari para magustuhan nila
Ang kailangan ko pala'y maging totoo sa sarili ko

Akala ko magiging masaya ako, pero tila mas nagulo pa ang lahat
Akala ko kapag naging ganito at ganiyan ako magiging maayos ang
lahat
Pero tila nagkamali ako, dito ko napagtanto
Na hindi pala kailangang itago ang tunay kong pagkatao

Aanhin ko ang maraming kaibigan, kagamitan, at ano pang meron ako ngayon
Kung hindi naman talaga ako masaya sa mga 'yon
Mahalin at tanggapin natin ng buo kung sino tayo
Huwag tayong matatakot,
Dahil ang takot ang nag-iisa nating kalaban

Poèmes de l'imaginationWhere stories live. Discover now