Padayon

2 0 0
                                    


Madilim na silid 

Tahimik na kapaligiran

Kape sa tasa

Pampagising sa umaga


Walang tulog

Walang pahinga

Nangungusap na mata

Naguguluhang isipan


Maiiyak

Aantukin

Lalabanan

Kakayanin


Hindi titigil, hangga't may baterya

Kakapit sa sinumpaang pangako

Mapapagod pero hindi susuko

Maiiyak pero hindi dahil sa lungkot


Kundi sa saya

Sa wakas

Mga katuparan 

Ngayo'y narito na


Walang mapagsidlan 

Sayang nadarama

Pamilya'y nagbunyi

Sarili nagwagi


Padayon,

Katagang nagbibigay buhay

Rason sa paglaban

Kahit nahihirapan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Poèmes de l'imaginationWhere stories live. Discover now