CHAPTER 1

22 5 0
                                    

Author's Note:
Hi guys! First story ko po ito. Bigla lang kasi pumasok sa isipan ko ang plot ng story. Sana magustuhan nyo po lahat. God bless.

Jasmine POV

"Aaaaaaaaaaah!!!!"

Dali-dali akong lumabas ng kwarto dahil sa sigaw ng kapatid ko.

"Anong nangyari Lyn?"tanong ko agad sa kanya.

"Si JK my loves ko ate, kakanta!" sagot nya na di tumitingin sa akin. Paanong di titingin eh halos yong mukha nya malapit na malapit sa screen ng tv. Kulang nalang na pumasok sya sa loob.

"Haaay. Akala ko kung ano na. Bakit ba kasi kayo nagkaka gusto dyan,? Tao din naman yan. Pangit naman ang boses." sabi ko at umupo.

"Anong pangit ate? Magkakaroon ba sya ng maraming awards kung pangit yong boses nya? No.1 nga yong album nya eh." sabi niya na di pa rin inaalis ang tingin sa tv.

"Tss. Umalis ka nga dyan, baka bukas bulag ka na."

"Sus si ate. Ang sabihin mo, gusto mo lang makita si JK my loves ko." umalis sya sa harap ng tv at tumabi sa akin.

"Ang bata mo pa pero my loves my loves ka na. Mag aral ka nga don, lunes na bukas. Isusumbong kita kay nanay na di ka nag aaral." pagbabanta ko sa kanya.

"Si ate, napaka KJ. Mamaya na pagkatapos ng ASAP. Aaah! Kakanta na si JK ate."

Aba't tong batang to sinabihan akong KJ. Humarap ako sa kanya.

"Anong-----"

When your legs don't work like they used to before. . . .

Napalingon ako sa tv.

And I can't sweep you off of your feet. .
Will your mouth still remember the taste of my love
Will your eyes still smile from your cheeks. .

Ngayon ko lang masyadong narinig yong boses nya. Kasi pag naririnig ko yong kanta niya sa radyo, tini turn off ko agad. Eh paano? Laging pinapatugtog yong mga songs niya. At di ko pinapansin kasi lahat ng mga babae sa school crush siya, sobrang nakakairita. Imbes na mag aral, laging nanonood ng mga videos nya sa youtube o di kaya nagbabasa ng mga updated details tungkol sa buhay nya. Eh ako, ang inaatupag ko palagi yong pag aaral ko lalo nat graduating na ako ngayon sa college. Di ko sasayangin yong oras ko para sa mga taong yan. Tsss!

So honey now
Take me into your loving arms

Magaling pala syang mag gitara. Parang sya. Aist! Iniisip ko na naman sya.

Kiss me under the light of a thousand stars

May maibubuga pala.

Place your head on my beating heart
Thinking out loud
Maybe we found love right where we are....

Ngumiti sya sa lahat ng audience. Ng na focus ng camera yong buong mukha nya. Ngayon ko lang natitigan yong mga mata nya. Ang mga matang yan.... That eyes remind me of him. Tinititigan kong mabuti yong buong mukha nya.

"Kung makatitig ate ah? Wagas na wagas! Hahaha. Napapangitan daw pero nakatulala."

Napalingon ako sa kapatid ko at nakita ko yong pag ngisi nya. Umiwas agad ako sa panonood at lumingon sa may labas ng bahay.

"Ha? Ah. . eh . .Napatitig ako kasi ang pangit talaga ng boses nya." pagsisinungaling ko pero medyo nagandahan lang ako ng kaunti. Kaunti lang ha? Wag nyong sabihin sa kapatid ko.

Magic of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon