Chapter 05..

0 0 0
                                    


Isang lingo na akong nandito sa loob ng hospital at nagugulohan pa din ako sa mga nang yayare, hindi ko alam kong nasaan ang totoo at hindi.

Dito kilala nila akong Latte Dela Zy Vinde, 19 years old, isang unika hija nila Don Teodolo Dela Zy Vinde at ni Donya Lalyn Dela Zy Vinde, pero ang pag kaka alam ko ako si Sy na lumaki sa bahay amponan hindi ako pinanganak ng mayaman at lalong hindi ako 19 years old isa na akong nanay sana pero di ko alam kong ano nangyare sa akin at andito ako sa kataohan ni Latte at ang pina ka pinag tataka ko hindi earth ang tawag nila sa mundo at walang itong philippines sa mapa walang korea walang china walang japan wala lahat iba ang mga pangalan pero pareho lang naman ang mapa pangalan lang ang pinag ka iba

Ito ba yong sinasabi nilang parallel word kong asan namatay na ang kataohan ko doon sa earth at ngayon nasa isang kataohan ako na mismong ako din pero nasa parallel world?

Napa nganga ako sa realization at nanlumo din sa isiping naiwan ko si Anan, sunod sunod na nagsilaglagan ang mga luha ko sa mga mata at napahikbi pero naputol ang pag dradrama ko nong may narinig akong may huminga ng malalim sa gilid ko kaya napatingin ako doon at nanlaki ang mga mata ko nong makita ang gwapong binata sa gilid ko, kita ko yong pagod at inis sa gwapo niyang mukha, at doon ko lang na alala na may kasama pala ako sa loob ng kwarto, nawala siya sa isip ko, kaya napa tingin na lang ako sa baba at bumulong ng pasenya sa kasama ko nahihiya akong tingnan ito at na iilang din akong kausapin ito.

Base sa mga kwento sa akin ni Donya Lalyn na siyang ina ni Latte na ngayon ay Ako na, Itong si Zekai daw ang Kababata kong matalik na kaibigan at ang magulang ni Zekai din ay siyang matalik na kaibigan ng Donya Lalyn at ganon din Si Don Teodolo matalik niya din na kaibigan ang papa ni Zekai kaya simula sanggol pa lang kami naka tali na kami sa isa't isa na maging matalik na kaibigan pero laking pagtataka ko bat parang bwesit na bwesit sa akin itong si Zekai at sobrang nakaka ilang siyang kasama, di ko masabing matalik ba talaga silang mag kaibigan ni Latte kase napakalayo ng loob nito sa dalaga.

Dahan dahan ko naman inangat ang ulo ko at sinilip si Zekai na ngayon ay naka tutok ang attention sa kanyang cellphone, dito pinagmasdan ko ang binata.

Una pa lang alam kong gwapo na itong si Zekai pero ngayong natitigan ko na yong mukha nito ng matagal napa nganga ako

'kulang ang salitang gwapo para ilarawan ang mukha ni Zekai kahit sa earth walang sobrang gwapo tulad nong sa kanya' napakunot ang nuo ko parang non existing ang kagwapohan na taglay ni Zekai, meron siyang makinis at maputing balat walang makikitanv tigyawat sa mukha nito at super glass clear ang balat niya na mas lalong tumingkad sa sobrang itim ng buhok niya at may pagka kulot ito bumagay din ang haba ng buhok nito sa laki at sa hugis ng mukha niya, may maiitim at mahahaba na pilik mata din siya na bumagay sa matutulis na hugis ng kanyang mata na medyo may kalakihan din ngunit singkit ito meron din siyang itim na itim na mga mata na nag pa lakas ng appeal niya, may matatangos na ilong at' napatigil ako sa pag isip nong nagtama yong mga mata ko sa labi nito,

Agad ako namula at napaiwas ng tingin sabay kagat ko sa labi ko ' panginoon ko, isang napakalaking tukso ho ang lalaking kasama ko ngayon dito sa kwarto, sana ho, e iwas niyo ako sa mga tukso kapag kasama ko siya, mahal ko po si Anan, kinasal kami sa harap niyo saksi kayo sa pagmamahalan namin ng asawa ko, kaya patawarin niyo po ako sa hinaharap pag may mga kunting pag nanasa akong maramdaman sa kanya,Anan mahal ko wag ka mag alala, ikaw ang lalaki na mamahalin ko, hanggang isip lang ito, pangako' kinakabahan kong pag dasal sabay sulyap ulit kay Zekai, 'talagang natural na mapupula ang labi nito at nakaka akit ang hugis ng labi niya sobrang bumagay sa mukha niya at para siya ang deffination ng Gods beauty na may pag ka bad boy look,' dahan dahan ko naman binaba ang mata ko para tingnan ang katawan niya at lalo akong namula ' napaka sexy niya tingnan, malalapad na dibdib at maliit na bewang bagay sa kanya ang white tshirt na naka tuck in sa itim na pants na fitted sa kanya ang sara-- ang ibig kong sabihin ang ganda ng mga braso at ' napalunok ako at napatitig sa kamay at daliri nito' ang kinis at ang hahaba ng daliri ng kamay niya matangkad din si Zekai ' napa sampal ako sa nuo ko at tyaka napapikit ng mata 'mababaliw ako at lalong ma aakit sa lalaki na to, this is enought ' sabay hinga ko ng malalim at kalmadong nag mulat ng mata pero na gitla ako nong magtama ang mga mata namin ni Zekai.

Na iilang ko siyang nginitian pero tinitigan lang ako nito ng malamig kaya napa iwas ako at saktong may pumasok din sa kwarto kaya naka hinga ako ng maluwag at tiningnan ang dumating at di na ako nagulat na si Donya Lalyn ang dumating may dala itong mga supot .

Walang ano ano at nilapitan ako nang Donya sabay yakap sa akin ng mahigpit at halik sa nuo ko, kinamusta naman ako ng Donya na sinagot ko naman ng tango sabay ngiting hilaw kase na iilang ako sa mga kilos nito,ang alam nila nawalan lang ako ng memorya at ang nangyare sa akin nong unang gising ko ay epekto lang ng sobrang taas ng lagnat ko at may pinag usapan pa sila ng doctor na wala ako at kasama nila si Zekai sa pag uusap nila non, buti at nong pangalawang gising ko ay di ako agad nag salita at doon ko narinig ang paliwanag sa akin nong doctor at nong magulang ni Latte naguguluhan man nanahimik din ako nong oras na yon nakaramdam din kase ako ng kakaiba at ito na nga yon naging ako si Latte, kahit di ko ma isip kong paano nangyare ito , sa lahat nang pang yayare ilan lang ang malinaw, ngayon na nasa ibang mundo ako at namatay na ako sa mundo na tinatawag na earth kasama ang sanggol na pinag bubuntis ko at na iwang nag luluksa ang Asawa ko sa Earth

Malungkot akong naka tingin sa likod ng Donya habang palabas ng kwarto mag aasikaso na ng mga papeless para maka labas na ako sa hospital nakita ko naman si Zekai na tumayo at binuksan ang isang supot at kinuha ang tatlong lunch box

Lumapit sa akin si Zekai dala yong mga tatlong lunch box sabay upo nito sa tabi ko, inayos niya yong lamesang naka attach sa higaan ko at isa isang binuksan yong lagayan ng pag kain

Kaya medyo napalapit yong isang braso sa akin ni Zekai kaya napatingin din ako sa kanya lalo na sa mukha niya napansin niya naman ang pagtingin ko kaya napatingin din siya sa akin na agad ko naman iniwas ang mga mata ko sa kanya nakita ko napatigil siya pero di naman nag tagal at gumalaw ulit yong braso niya kaya napatingin din ako kong ano gagawin niya nong nakita kong kukunin niya yong kutchara nanlaki yong mata ko 'no way, highway kong hahayaan na susubuan ako nitong Zekai na to' kaya walang ano ano kong inunahan ko na siya sa pag abot ng kutchara na agad naman niyang kinatigil pero di ko na siya pinansin pa at nag sandok na ako para simulan ang pagkain ko

Nakita ko naman napa atras siya at umupo ulit sa upuan sa gilid ko at naka tingin lang ito sa akin pero pinag sawalang bahala ko na lang ito at tuloy tuloy sa pag subo ' mahirap na, masakit na siya sa puso, dadagdagan ko pa ba? Baliw lang ang mag papasubo sa nilalang na to , may Anan na ako, kaya ikaw puso ko kumalma ka lang at subukan mong tumibok ng mabilis sa nilalang na to yare ka, ang ibig kong sabihin' sabay sulyap kay Zekai na ngayon nag cecellphone ulit ' ahhhhhhhh mayayare tayo puso ko,' iyak ko sa loob loob ko sabay singhot ko

Natapos ko naman yong pag kain ko at nong pag balik ni Donya Lalyn sa kwarto ay siya naman agad nag pa alam si Zekai sa amin na aalis na tumango lang ako at di ko ito tiningnan hanggang sa pag alis nito at doon lang ako naka pagrelax at naka hinga ng maluwag.

A Chance of Living In Parallel WorldWhere stories live. Discover now