Chapter 04..

0 0 0
                                    


Ramdam kong naka lutang na lamang ako sa hangin at pa ikot ikot sa kawalan ngunit natigilan ako nong makaramdam ng parang nahuhulog ako sa mataas na lugar hanggang sa nahinto ang pagkalaglag ko ngunit doon naman ako naka ramdam ng panghihina at panlalamig?

Takang akong dinilat ang mga mata ngunit panandalian lang iyon at sumara din ngunit sapat nang ma sulyapan ko ang paligid nawalan ako ng malay na may pag tataka na na iwan sa isip ko.

Nagising ako sa ingay ng paligid ko at hindi agad naka dilat sa kadahilanan na ang bigat ng talukap ng mga mata ko hanggang sa na imulat ko din iyon sa wakas ngunit nong makita ko ang naka palingid sa akin napa kunot ang nuo ko sa mga taong naka tingin sa akin na may mga gulat sa mukha

Hanggang sa isang ginang na bigla na lang umiyak at sinunggaban ako ng isang mahigpit na yakap na ikinagulat ko naman kaya di ko sinasadyan maitulak ito na nag bigay ng tamang distansya sa amin dalawa

Nagugulohan ako nitong tiningnan na may halong lungkot sa mga mata nito ngunit mas nagugulohan ako sa kanya, kaya walang ano ano at tinanong ko ito.

''Do I know you?'' namilog naman ang mga mata nitong tiningnan ako

Nanginginig itong napakapit sa lalaking katabi niya na naka tingin din sa akin nong oras na yon, makikitang mong seryoso ito pero may halong pangamba ding makikita sa mukha ng matandang lalaki na hindi ko naman binigyan pansin pa at di ko naman sila kilala may iba pang tao sa loob pero tulad nong dalawa di ko din ito pinansin tiningnan ko ang buong paligid at doon ko napatantong nasa loob ako ng hospital.

Bigla naman ako kinabahan, ramdam ko ang bilis ng pag tibok ng puso ko sa mga oras na to, dahan dahan kong nilapit ang mga nanginginig kong kamay patungo sa tyan ko, nong lumapat yong kamay ko sa tyan kong walang umbok,doon na ako napasinghap ako ng malakas, na agad ko naman sinulyapan para maka sigurado pero nong makita ko ito gumuho lalo ang mundo ko, nang uunahang lumabas ang mga luha ko at napa hikbi na ako nanginginig ako sa mga na laman

Natataranta naman yong ginang at yong mga tao sa loob nong makita ako tumatagis at napa sigaw sa sakit, napayakap ako sa tyan ko habang umiiyak sa pag ka wala ng anak ko,

"Shhhhh honey what happened, tell to mommy what happened!! Hnmm ohh god!! Teo help me!" Sabi nito sa lalaking matanda habang yakap ako

Taranta itong lumapid din sa amin at hinawakan ang kamay ko at kinakausap akong kumalma muna at bakit ako umiiyak at tyaka ito lumingon sa lalaking binata sa likod niya nag senyas na tumawag ng doktor na agad naman nitong ginawa

Iling ako ng iling at inikot yong paningin ko hinahanap ng mata ko ang asawa ko pero isang ginang lang ulit yong nakita ko at isang matandang lalaki na mukhang mag asawa din

"My baby!!! Ahhhhhhhh yong anak ko" sigaw ko sabay hagulgol sabay kapit ko ng mahigpit sa tyan ko, ramdam kong may pumasok sa loob ng kwarto pero di ko ito tiningnan at nagpakalunod na lamang sa sakit at pangungulila sa dapat na maging anak namin ni Anan

Napagitla ako nong ma alala ko si Anan, mas lalo ako napahagulgol ng iyak, sa mga na isip na mang yayare hanggang sa hindi ko na kinaya pa ang sakit na nadarama ng dibdib ko sa pag ka wala ng anak ko kaya nagpalamon na lamang ako sa dilim at doon nawalan ako ng malay tao na iniwan kong nagka gulo ang mga doctor sa pag aasikaso sa akin at sa ginang na ngayon ay nababahala din sa nag iisang anak nito.


A Chance of Living In Parallel WorldWhere stories live. Discover now