Chapter 03..

0 0 0
                                    

....Earth...

Lumaki akong tinutukso ng mga ka klase ko sa kadahilanan na laki ako sa bahay amponan, masasakit ang mga binibitawan na mga salita ng ka klase ko pero hindi ko yon dinamdam, at mas sinasapuso ang mga aral na sinabi sa akin ng inang madre, bata pa man ako sa edad pero sa isip maaga ako na mulat sa mundo.

Ako nga pala si Sy walang apelyedo ngunit masaya nang may pangalan ako, hindi man ako anak mayaman at mahirap man sa paningin ng iba, ngunit masaya akong nakukuha ang gustong gamit na galing sa sariling pawis at sikap ko.

Masaya akong pinagmamalaki ako ng boung tao sa bahay amponan sa katalinohan ko at sa sikap na meron ako, wala man akong magulang nagmamahal sa akin pero meron naman akong pamilya na mas mahal na mahal ako at ito sapat na sa akin lahat kaya mas pinili kong huwag na mag pa ampon at tumulong na muna sa inang madre na alagaan ang mga bata sa bahay ampotan hanggang sa pag pagtapos ko sa highschool na ako ang nangunguna sa klase.

Gustohin ko mang mag aral ng koliheyo ngunit wala nang sapat na perang pangtustus sa akin at ang pag tatapos ko sa highschool ay sobrang malaking tulong na iyon kaya hindi ako nag dalawang isip na mag hanap ng trabaho para suportohan ang bahay amponan.

Nong tumuntong ako sa edad ng bente anyos pumanaw si inang madre boung lingo akong hinding naka pag trabaho non at dinamdam ang pag panaw ng inang madre hanggang sa lumipas na lang ang panahon, hanggang sa ika bente otso anyos ko doon naman pumasok ang lalaking magiging katuwang ko sa buhay niligawan ako nito ng apat na buwan at bago mag lilimang buwan ng panliligaw niya doon ay sinagot ko na si Anan at tumagal ang relasyon naming ng limang taon na di naman kinalaunan ay kinasal kami, kaka tatlong buwan pa lang ng pagiging mag asawa namin, bigla naman kami binigyan ng isang pang biyaya nong nalaman naming na nag dadalangtao na ako.

Ang saya na nararamdaman ko non ay abot hanggang langit, ganoon din sa taong pinakamamahal ko umiiyak itong niyakap ako sabay nitong halik sa akin nuo na puno ng pag mamahal.

Ngunit ang saya ay lagging may lungot na nakasunod.

Sa ika limang buwan ng pag dadalang tao ko kakatapos ko lang mag patingin at aalis na sana sa loob ng clinica nong bigla na lang ako naka rinig ng pag sabog at doon nilamon ako ng dilim.

Isang oras matapos ang pag sabog sa hospital makikitang yakap yakap ng isang lalaki ang katawan ni Sy habang nag hihinagpis ito sa pag iyak sa pagkakawala ng dalawang taong minamahal niya, sa lahat na nawalan ng minamahal nong oras na yon si Anan ang siyang nangingibabaw sa kakaiyak at sumisigaw sa sobrang sakit ng nadarama nong oras na yon, lahat ng mga taong naka saksi sa nangyayare ay napapa iyak na lang din at sinisi ang isang organisasyon ng sindikato na salarin sa nangyaring pag sabog ng lugar

A Chance of Living In Parallel WorldWhere stories live. Discover now