Chapter 08..

0 0 0
                                    

Napadilat ako ng mabilis nong magising ako sa tunog ng kulog madilim pa ng kaunti sa loob ng kwarto pero kita mo nang mag uumaga na din may kunting liwanag na ang sumisilip sa ulap kaya napa hilamos na lang ako sa mukha at nagising na lang at tyak na di naman ako makakatulog pa ulit

Dahan dahan kong tinungo ang Cr sa loob ng kwarto para doon mag hilamos

Nong maka pasok ginawa ko na ang dapat gawin nong matapos ako sa loob agad akong lumabas at pumunta banda sa pinto para hanapin ang bukasan ng ilaw sa loob ng kwarto nong makita ko ay agad ko itong pinindot at ayon lumiwanag din ang buong kwarto at doon ko na pansin ang kabuohan ng kwarto ni latte at napa ngiwi na lang din ako sa nakita

"Jusmeng Babae to, adik ka sa kulay ng pink, pustahan tayo pati laman ng kabinet nito puro pang bata, tara nga matingnan" sabay mabilis kong lapit sa kabinet nito nong pag bukas ko nagulat pa ako akala ko kabinet, yon pala pinto siya yong desinyo lang niya sa labas ay mukhang kabinet pero pinto pala ito at ang laki sa loob

Namamangha akong pumasok at napa nganga ako nong completo ang nasa loob at ang ayos ng pagka salansan ng mga gamit

Pag pasok mo sasalubong sayo yong mga damit na naka salansan sa magkabilaan pakatapos ng walong hakbang makikita mo naman yong mga bag sa kaliwa at sa kanan ay mga sapatos, pa bilog ang hugis ng kwarto na to at sa gitna ng sapatos at bag doon naka hirila ang mga alahas relo at mga ipit na kumikitang at kong ano ano pang luho,

sa gitna naman ng kwarto may makikita kang salamin na magkabilaan sa kabila buong salamin ang naka lagay sa kanan naman kalahati lang tas may malambot na upoan ang naka harap sa salamin kong asan pwede ka umupo at nong lumapit ako sa upuan doon ko din na pansin yong mga make up na naka latag sa maliit na lamesa pero sakto siya panglagyan ng mga make up may mga kabinet din sa ilalim kaya sinilip ko din at puro palamuti lang sa mukha ang laman kaya wala gana ko itong sinara sabay pakawala ng ngiti.

Dahan dahan akong napatango sa nakita lalo na nomg mapansin kong puti at itim ang kulay ng kwarto na to, mas gusto ko ang kulay at ang dating na binibigay ng kwarto na to, mas elegante ang dating nito

Bumalik ako sa mga damitan at napa tampal na lang ako sa mga damit dito, tama nga ang hinala ko puro pang bata naman yo pero may mga mangilan ngilan na pasado sa akin kaya walang ano ano pinag tatanggal ko lahat ng ayae ko at pagkatapos ko tanggalin kunti na lang natira puro mga pantalon na itim at puti ang natira tas mga tshirt na walang desinyo iba iba ang kulay pero pasado sa akin .

Hinayaan kong naka salampak ang mga damit sa sahig at lumabas na ako bumalik akp sa kwarto at pag tingin ko sa malaking bintana nakita ko nang tumila na ang ulan at may araw na pero makulimlim pa din naman

Nang desisyon akong lumabas na ng kwarto at bumaba may ma ngilan ngilan akong nakakasalubong na kasambahay na agad naman ako binati at nginitian ko na lang sila pabalik nong maka rating ako sa baba napatanga pa ako sa kinatatayuan ko kase dito na tayo magkakandalito lito kase isang malawak na espasyo ang sasalubong sayo pag ka baba mo sa malaking hagdan kong saan naka konekta sa pangalawang palapag kong saan magtatagpuan ang kwarto ko na nasa kaliwa ang lokasyon doon din ang kwarto ng magulang ko at may dalawa pang kwarto doon naka laan sa mga kamag anak namin pag dumalaw sa kanan naman doon ang mga kwarto para sa mga kaibigan na bibisita sa bahay isa yan sa paliwanag sa akin ng katulong kahapon na hindi ko masyadong pinag tuonan ng pansin ngayon laking pag sisi ko na di masyadong nakinig sa kanya

Nilibot ko yong paningin ko pero wala akong nahagip na mga katulong kaya wala akong magawa kundi ang mag explore dito bale dito sa hall meron itong limang malalaking pinto na naka pinapalibutan sa malawak na hall,

isa dito ay ang pina ka main door ng bahay at yon ay ang kaharap mismo ng hagdan malawak ang hall kong bibilangin sa hagbang makaka labing pito ka ng hagbang bago ang main door ganon ito ka lawak.

Meron naman tig dadalawang pinto sa kabila at kanan sa pagkakatanda ko ang bawat pinto dito ay siyang lagusan patungo sa kwarto ng mga kasambahay,meron din kong asan naka lagay ang mga sasakyan, at yong isa ay tangkapan ng bisita at yong pang huli ay naman ang pupuntahan ko kong asan yong kainan

Luminga linga ako at pinili ang kaliwa, unang binuksan ko ang pintong hindi malapit sa main door kase alam kong tanggapan ng bisita lang at garahe ng mga sasakyan lang ang malapit sa main door so wala na agad ang dalawa sa pag pipilian ko, at kong swe swertehin baka ito na yong kwarto kong saan ginaganap yong kainan kaya walang ano ano binuksan ko na agad ang malaking pinto at napa lawak ang ngiti ko nong tama ako sa piniling pinto na bubuksan, masaya akong lumapit sa lamesa at pagka upo na pagka upo ko meron agad isang katulong ang lumapit sa akin para tanongin ako sa gusto kong agahan

Syempre nag request ako ng fresh milk at ham with bacon sandwich para yayamanin ang datingan natin at ura mismo pagkatapos ko kumakain agad ko naman pinagsisihan kase iba ang lasa at hindi ko na gustohan ang binagay sa aking fresh milk at sanwich o baka masarap naman siya pero dahil wala naman akong ganitong buhay dati kaya naninibago lang ako sa lasa

Tumayo ako pagkatapos kong kumain at nagpasalamat sa naghain sa aking katulong sabay labas ko at nag isip na pumuntahan ang kasunod na pinto kong asan malapit lang sa main door pag bukas ko tumambad sa akin yong malaking kwarto na maganda ang mga disenyo sa loob at may full glass window ang sa harap ng mga upuan may salamin din na lamisa at ang ganda ng tawawin sa labas malawag na lupain napaupo ako sa upuan at ako na mismo ang sumamsam sa magandang tanawin sa labas ngayon ko lang kayang e appreciate ang pagkatapos ng ulan sabay bungisngis ko

'kinakainisan ko ang ulan at kulog kase para sa akin napaka lungkot nito at sa tuwing may kulog ramdam ko lagi na may mangyayare o may nababadyang panganib sa akin, kaya ayaw ko ng ganon pero dito himala ang sarap sa pakiramdam pagkatapos ng ulan doon sa earth pagkatapos ng ulan malungkot pa din pag masdan yong mga nasa paligid' napangiti na lang ako ng kunti

Pero naputol din naman agad yong pag muni muni ko nong may katulong na lumapit sa akin at yumuko pa

" Magandanh Miss Latte, pasensya na po pero itatanong ko ho sana Miss, tungkol sa mga damit mo doon sa loob wardrobe naka lapag po kase sa sahig" magalang na tanong nito sa akin

Agad ko naman nakuha yong tinutukoy nito siguro mag lilinis siya sa kwarto ko ngayon araw at nakita niyo yong ginawa kong pag iwan sa kalat ko doon sa kwarto

" Yon yong mga damit na ayaw ko na sana gamitin, pakuha pala non at pwede mo yon kunin o iuwi wag lang itapon at sayang naman kase, pwede mo din ipamigay sa mga kasamahan mo, tara pumunta tayo sa kwarto sakto mag aayos ako at gusto kong mamasyal sa labas " yaya ko pa sa kanya na agad naman sumunod

A Chance of Living In Parallel WorldWhere stories live. Discover now