Chapter 11

21 3 0
                                    


"LET's go," pagbibigay-alam ni Leon nang matapos na ito sa trabaho. Sinuot nito ang coat, ibinutones iyon bago inayos ang buhok sa tapat ng kasing-tangkad nitong salamin. Leon checked his cuff as his last touch before glancing at her. "You ready?"

Nag-alangan na tumingin si Claire sa pinto bago ibinalik ang tingin kay Leon. "It's still early, don't you think? Let's stay for at least half an hour, I-I'm still enjoying the... the office."

Sumipat si Leon sa relong pambisig bago kumunot ang noo. "It's not early, Claire. It's passed working time. We need to go home before sundown."

"Of course, we will go home," sagot ni Claire at pilit na napangiti. "But can we at least... wait here until most employees go home? I really don't want them to see me."

Nang maintindihan ni Leon ang kanyang ipinabatid ay sumeryoso ang mukha nito. "Are you ashamed that you will be seen with the great Leon? I mean, yes, I am indeed incomparable and I understand your anxiety, but you need to get used to it, Claire. You're going to be Mrs. Manuel in the next few weeks."

Hindi na nagtaka si Claire na muling itinaas na naman ni Leon ang sarili sa naging tugon nito sa gitna ng kanyang pagkabahala. "Oo, alam ko na naman ang bagay na 'yon. Pero kasi baka hindi nila ako magustuhan para sa 'yo, alam mo na. Ako na ang mag-a-adjust."

"Does it matter?" tanong ni Leon at nagpamulsa. "Because if you're going to ask me, I don't care what others will think about us. Even if they will hate you, which they probably will, I'm still going to marry you, Claire. No one can change my mind about that."

Natigilan nang sandali si Claire bago napangiti sa iminutawi nito. "Alam mo, iyang mga linyahan mo, pang-nobela talaga, eh. Kikiligin na sana ako kung 'di ko lang alam ang layunin sa likod ng mga salitang 'yon."

"Puwes buti na lang pinigilan mo ang sarili mong kiligin," tugon ni Leon at muling tumingin sa salamin at inayos ang pagkakapalis ng buhok. "Dahil wala kang mapapala sa akin kundi insulto."

"Wala din naman akong plano mahulog sa isang tulad mo, tse!" balik-insulto ni Claire at lumapit dito. "Tara na nga at makauwi kung gusto mo na talaga."

"Are you ready to face them?" tanong ni Leon at ngumisi.

"As if I have a choice," walang-ganang sagot ni Claire at tumabi dito para makapagsalamin na rin. "It will only take us ten minutes to go out so let's do it."

"Okay," pagsang-ayon ni Leon at pinauna siya sa paglabas bago sila sumakay sa elevator. Pinindot nito ang groud floor at tahimik na naghintay sa kanyang tabi. "I didn't heard you complain this afternoon about wearing heels aside from you're hungry saying you want a lot of sweet because you're exhausted. Are you getting the hang of it?"

Tumingin si Claire sa suot na takong at ipinakita pa ito kay Leon. "Somehow. Mrs. Pizaña let me stand with these heels for almost all day and you let me walk for almost six hours so I guess, yes. But my feet really hurts."

Nang mag-akma na lalapit si Leon upang siya ay buhatin ay pinigilan niya ito sa pagwasiwas ng mga kamay. "Nope, I'm fine. I can still walk."

Hindi sumagot si Leon at tahimik lamang na tumabi sa kanya.

"To think that you have classified me as a heavy human being and then will carry me with no hesitation when I'm facing hardships..." pang-aasar ni Claire at pinaningkitan ito ng mga mata. "You seem to be liking the thought of carrying me, huh?"

Banas na sumipat sa kanya si Leon bago bumukas ang elevator sa ika-limang palapag kaya naman nagbago ang reaksyon ni Leon na handa nang suminghal at naging kagiliw-giliw na naging dahilan na kanyang pilit na pagtawa. Pumasok ang limang tao sa elevator na tila nagulat pa sa kanilang dalawa bago siya hinapit ni Leon palapit.

Marriage and MaintainabilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon