Chapter 27

27 3 0
                                    


NAGBAWI ng tingin si Claire nang sandaling magtama ang kanilang mga mata ni Leon. Mas isiniksik niya ang sarili kay Carol habang hinihintay nila ang yate na kanilang gagamitin para sa lakad sa araw na iyon. Kasalukuyan silang nakatayo sa boat ramp at simula nang dumating si Carol ay hindi siya humiwalay dito. As for her fight with Leon, she prefer to receive cold treatment from him rather than to be close to each other and with invalidated feelings.

Nang huminto ang engrandeng yate sa tapat nila ni Carol ay sabay silang napahanga. Nalaglag ang kanilang panga at nanatili lamang silang nakatayo at nakatanaw sa mamahalin na yate. Sabay silang nagkatinginan ni Carol at nag-usap gamit ang mga mata. Kung kina Leon at Klaus ay ordinary bagay lang iyon, sa kanila ni Carol ay napalaking bagay na makasakay sila sa isang yate na tanging nakikita lamang nila sa pelikula.

"Wow..." ang tanging nausal ni Carol habang nakakapit nang mahigpit sa kanya.

Sumampa na sina Leon at Klaus sa yate at nanatili silang nakatayo sa boat ramp, tila namamangha pa rin sa kanilang nakikita. Nang inilahad ni Klaus ang kamay ay agad iyong tinanggap ni Carol at hinawi ang kanyang kamay at tila kinalimutan na ang kanyang presensya. Ang akala niya ay ganoon din ang gagawin sa kanya ni Klaus ngunit tuluyan na itong lumisan kasama si Carol at pumasok sa pinakaloob na yate.

Naiwan siyang hindi makapaniwala sa nagawa ng dalawa kaya dismayado na napatingin siya kay Leon. Leon extended his hands to assists her but she was too haughty to receive some help from Leon. Hindi niya tinanggap ang kamay nito at nilagpasan ito na hindi sinulyapan. Sumunod siya kina Carol at Klaus na ngayon ay aliw na aliw na nag-uusap sa rehas at agad na hinila niya ang kaibigan mula kay Klaus. Wala ng nagawa si Klaus nang pandilatan niya ito ng mga mata habang inilalayo dito ang kaibigan.

"What was that? Did you just choose Klaus over me?" tanong ni Claire.

"Hindi, ah. Alam ko na tutulungan ka ni Leon sa pagsampa kanina kaya sinadya namin iyon ni Klaus. Dapat kasi sana bati na kayo ngayon," sagot ni Carol at sinapo ang kanyang mga pisngi.

"Bati? Hindi naman kami nag-away," bulong ni Claire, hindi na napigilan ang pag-ikot ng mga mata.

"Anong hindi? Kahapon pa nagpapansin sa iyo ang asawa mo, 'di mo naman pinapansin. Binigyan ka niya ng tubig, hindi mo pinansin kahit nauuhaw ka at inubos mo ang tubig ko. Pinaghimay ka rin ni Leon ng alimango kaninang tanghalian pero 'di mo kinain kahit favorite mo iyon. Isa pa iyong pagpatimpla niya sa iyo ng kape kanina sa bar tapos 'di mo naman ininom," mahaba na wika ni Carol para mapakibot na lamang ang kanyang labi. "Alam mo, Claire. Hindi ka naman ganito, eh. Hindi naman mataas ang pride mo pero bakit ka nagkakaganito?"

"Hindi ako ganito noon," pagbibigay-diin ni Claire. "Noon, Carol. Simula nang makilala ko si Leon, doon ko pa nalaman ang totoong katangian ko. Katulad ng may kakayahan pala akong hangarin siya bilang isang lalaki."

Nasapo ni Carol ang bibig nito at pinanlakihan ng mga mata. "Iyon ba ang dahilan kung bakit ka nagtatampo kay Leon? Wait, sinasabi mo bang gusto mo na ang asawa mo?"

"Gusto? Hindi ko sigurado kung ko gusto si Leon. Pero alam kong sexually attracted ako sa kanya, tingnan mo naman siya. Hindi ba ang lakas ng dating?" pagkumpirma niya dito para maikling ni Carol ang ulo.

"Hindi ako sigurado. Para sa akin kasi mas pogi kasi si Klaus kaysa kay Leon," sagot ni Carol at natawa.

Napangiwi si Claire. "Pogi naman silang dalawa, totoo. Ang ayaw ko kay Klaus ay ang ugali nitong masyadong friendly at flirt."

"Ah, gusto mo sa mga masusungit katulad ni Leon," diretsahang wika ni Carol para mapailing siya.

"Hindi nga. Hindi ko nga gusto si Leon," pagtutol ni Claire. "Kagaya nga sabi ko, sexually attracted ako sa kanya."

Marriage and MaintainabilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon