Chapter 24

33 3 0
                                    

NAPAIGTAD si Claire nang marinig niya ang pagtawag ni Leon sa kanyang pangalan mula sa labas ng banyo.

"Saglit lang. Naghahanda pa," pagbibigay-alam ni Claire at nag-aalalang tiningnan ang sarili sa salamin. Hinawi niya ang kanyang buhok at nag-isip kung anong mas mababagay sa kanyang suot na bikini. Nakatali ang buhok o nakalugay?

Abala sa pagtali ng buhok nang maalala niya ang nang-aasar na pagngisi ni Leon. Sa halip na tuluyan nang itali ang buhok ay hinawi niya ang panali at hinayaan ang buhok na ilugay na lamang. Bakit ba bigla siyang nakaramdaman ng pagka-concious para sa sarili? It's not like she likes to appear good while wearing a bikini for Leon. Nag-aalala lamang siya na baka punain siya ni Leon na gusto lahat ay perpekto. Oo, iyon ang dahilan at dapat wala ng iba. She was determined and with that attitude, she look forward on exceeding Leon's expectation. Yes! That has to be it.

No other reason.

"Okay..." wika ni Claire sa sarili at tinanguhan ang sariling repleksyon sa salamin.

Nang maipon na ang lakas ng loob ay lumabas siya sa banyo at hinarap si Leon na tinatanggihan ang pagtama ng kanilang mga mata. "Okay na ba ito?"

When Leon didn't respond, she glanced at him only to find out that he was staring at her almost naked body. Namula ang kanyang mga pisngi at sinikap ang sarili na huwag magtakip ng katawan. Base sa nakita na reaksyon dito ay hindi niya malaman kung nasiyahan ba ito sa nasilayan o nadismaya. Usually, Leon would insult her, but this time he was out of words. It was so unlike him.

"I know I'm not good at wearing bikinis. I look stiff and awkward—"

"You look good," sansala nito para mapatigil siya pagsasalita at makalimutan ang kanyang sunod na kataga. "I choose the right design that would complement your skin. It looks good on you."

Tiningnan niya ang sarili at pinigilan na huwag ngumiti dahil sa papuri ni Leon. He has been hearing good things from Leon since day one but this is the best compliment she heard from him. Maybe because it boosts her confidence as a woman.

"But I won't advise you to wear it outside, it may look good to me but for others, it won't. They will be disgusted when they see you wearing that," agap na pagbawi nito para agad na manggalaiti siya sa kinatatayuan.

Maganda na sana ang sinabi nito ngunit dinugtungan pa nito at hindi na siya nadala. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nasasanay sa ugali ni Leon. Sa tuwing may idinidugtong ito pahabol na masamang komento ay nagbibigay pa rin sa kanya ng galit kahit batid niya na ganito na ito bilang tao.

"Hindi rin naman ako magsusuot ng ganito sa labas, tse! Ngayon lang kasi para sa honeymoon kuno natin," asik ni Claire at hindi na napigilan na ambhan ito ng kamao dahil sa galit. "Ang yabang mo talaga kahit kailan! Kaya hindi ka nakahanap agad ng—"

Hindi na naituloy ni Claire ang sasabihin ng maghubad ng pang-itaas na saplot si Leon. Tila para bang ang batak nitong katawan ay nagpatigil sa pagproseso ng kanyang utak para mapatitig na lamang siya rito at wala ng maisip maliban gaano ito katikas at kung gaano kasarap dito humimlay. Yes, she knew that it was inappropriate to imagine things with Leon but seeing a stern and good body right before her eyes suddenly pique her interest. Iba sa pakiramdam ang makakita ng ganoon katawan sa malapitan at sa mga magazine. Hindi niya na tuloy napigilan ang pagkamangha.

"Wow, abs..." ani Claire at hindi na napigilan ang titigan ito at damdamin gamit ang hintuturo. "They are real."

"Of course, they are real. What do you think of it? Photoshopped?" pilyo na tanong ni Leon at ikinulong ang kanyang kamay at hinila siya para magkatapat nang bahagya ang kanilang mga mukha. "Never seen a body that swoon worthy? Well, don't worry. As your husband, it's all yours."

Marriage and MaintainabilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon