022

25 5 10
                                    

❝ Spreading the Hot News ❞

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

❝ Spreading the Hot News ❞


—✦ Third Person

And yet again, the whole country is trembling in fear as it faces another horror. Another victim was killed by the infamous serial killer of Mauevester City, the Dark Soleil, making the Bloody Fire Serial Killing to have six victims in total.

The female college student who testified to the detectives was killed. Estelle, who claimed to be a witness when Hale Aries died, is the sixth victim of the Bloody Fire Serial Killing.

The internet is on fire. News is all over the media. People are already leaving the city, fearing that the serial killer might kill them next. And the police had to deal with the relentless reporters again who can't stop pestering them.

"May bagong lead na po ba kayo?"

"Mayroon ho ba kayong suspect na nasa isip n'yo?"

"Alam n'yo na po ba kung bakit pinuputol ng serial killer 'yong mga hintuturo ng mga biktima?"

"Tatlong buwan n'yo na pong iniimbestigahan ang kaso at nagagalit na ang mga tao; ano pong masasabi n'yo?"

"Anim na ang nabiktima, may ginagawa ho ba talaga kayo?"

Question after question, and the detectives are already getting dizzy. Halos hindi na sila makapasok sa presinto dahil sa dami ng tao at ng mga reporter sa labas. These reporters are testing the detectives' stamina as they act like leeches and buzzing bees.

Hindi na nakayanan ni Detective Harrison ang kaguluhan kaya saglit itong tumigil at pasigaw na nagsalita. "Press conference will be held within this day, please save your questions until then!"

Wala pa silang mga tulog kaya naghihingalo na ang mga ito makapasok lang sa opisina nila at malagpasan ang mga nagkakagulong reporters.

Muling naglakad sila Detective Harrison papasok ng presinto. Patuloy naman sa pagtatanong ang mga reporters.

"Tumabi muna kayo! Tabi!" Nagsisisigaw na ang ilang mga pulis upang mapadaan ang mga detective at pigilan ang mga reporters na makapasok sa loob.

Nang makarating sa opisina, hingal na hingal sina Flint, Detective Harrison, at ang iba pa nilang katrabaho. Namumutla na ang mga ito sa puyat at pagod. Ni isang minuto ay hindi pa sila nakakatulog simula kagabi.

"Did you hear that one question? Kung may ginagawa raw ba talaga tayo? Mukha bang nilalaro lang natin 'tong kaso?!" Detective Lyveste exclaims, madness is evident in his voice.

"That's how the media is. Pinapaniwalaan nila ang gusto nilang paniwalaan," kalmadong giit ni Detective Harrison.

"Pero ang unfair, sir! Dugo, pawis, at luha ang binubuwis natin sa kasong 'to, 'tas kinekwestyon nila ang sakripisyo natin?!" Feeling indignant, Detective Lyveste huffs.

Dark SoleilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon