Chapter 14: It Will Be The Start
IAN'S POV
"Yes po tita. I assure you that. I'll take care of your princess." sabi ko sa pamilya ni Ryz. Nandito ako ngayon sa bahay nila. Magdadive. Este mang-aakyat ng ligaw gamit yung ladder. Joke lang! Hahaha. I'll ask their permission para ligawan si Miss Ryza Ashley de Vera. Mahal ko sya eh. :)
"Okay. May tiwala naman kami sayo Ian. Just please don't let anything bad happen to my daughter. Don't make her cry. We all know na masyado syang sensitive pagdating sa emotions nya diba? At tsaka hijo, yung panliligaw mo, wag idaan sa texts. Dapat pati sa personal din. At kung magiging kayo na, know your limitations. I trust you, or should I say, we trust you." sabi ng mommy nya sa akin nakatingin naman sakin ang mga kuya nya.
"Tatandaan ko po yan tita. Mga kuya, ano? Payag po ba kayo?" ngumiti ako sakanila. Si Ryz naman di nagsasalita dito sa tabi ko. Naprepressure yata. Hahaha. :D
"Uhmm. Sige na nga bro! Basta ha?! Pag yan nasaktan mo at napaiyak, naku! Mababali ang mga buto mo pati na rin dugo mo idadagdag namin sa Red Sea. Maliwanag? Hahaha." sabi ni Kuya Ryu sakin at itinaas yung fist nya. May naramdaman naman akong pawis na tumulo sa mukha ko. Tumawa naman kaming lahat sa sinabi ni Kuya Ryu pati na rin si Ryz na kanina pa tahimik.
"Kuya naman eh! Pagpasensyahan mo na sya ha Ian? Ganyan talaga yang kuya kong yan eh." nagsmile sya sakin.
"Take care of her." Kuya Renz. Antahimik talaga neto oh? Tsk! tsk! -____- Pero okay lang. Magkasundo naman kami. Haha.
"I promise." sagot ko.
Pagkatapos nun umuwi na rin ako. Di na ako nagtagal dahil may pupuntahan pa ako. Asking where? Wahaha. Mamaya na. Malalaman nyu rin naman.
*drive drive drive*
"Nandun na kaya yun? Baka wala pa. Matawagan na nga." sabi ko sa sarili ko sabay kuha ng cellphone ko from my pocket. Hayyy. Ang hirap naman abutin neto. -____-
*kapa kapa*
"Yea---" Ooopppsss! Nahulog yung phone ko nung nilalabas ko sa pocket ko. Arrgghh.
"Ano ba yan! Kung kelan naman nagmamadali tsaka ka mahuhulog. Aisshh." kinapa kapa ko sa floor nung sasakyan ko cellphone ko. Kaso di ko makapa.
Kaya tumingin ako sa baba at kinapa ko sa sahig. Ang hirap lang ah. Tsk!
"Ah ayun!" pinulot ko yung cellphone ko pero napansin ko na pagewang gewang na pala yung pagdadrive ko.
BINABASA MO ANG
Stuck In The Past
RomanceHave you ever been in love with somebody? Been hurt even though you already gave your best? What if the only person you're counting on to, leaves you. Would you still continue to live? If you've been broken, would you still love again? Truly, love i...