Sasabihin ko na ng maaga. Sorry sa typo. Hope you enjoy~
Kiss 2
Kate's POV
Nag-madali nalang akong umalis kanina. Halos madapa at masubsob na ako kanina kakatakbo.
Kasi kaninang uwian nakipagtalo pa si Mark dun kay Kyle kaya nakakahiya talaga.
Napasobra na ata inis ko eh. Pano ba naman kasi nakipag hamon ako sa kanya.
Nasabi ko tuloy na pagnasali ako sa Top 100 huwag nya ng insultohin yung mga taga Class-E.
Pero okay nadin yun. Para naman magkaroon ng History itong school 'Kate from Class-E is counted in Top 100' first time yun sa history. Alam ko naman di mangyayari iyon.
...
"Papa! Bakit pa kasi tayo lilipat dun sa bahay ng bestfriend mo?" Tanong ko kay papa.
Pano ba naman kasi, dun na daw kami titira panandalian sa bahay ng bestfriend ni papa.
"Huwag ka na ngang matanong. Kanina ko pa sinasabi sayo. Paulit-ulit ka na kate?! Ano ba naka Unli ka ba?!" Sigaw din sakin ni papa.
Naka-Umli daw ako? Eh, hanggang Combo nga lang ako eh.
"Pa naman! Alam mo naman na hanggang combo 10 lang ako!" Iritang sigaw ko kay papa.
Sa totoo nama eh!
"Hays! Ewan ko sayong bata ka! Bilisan mo na nga dyan!" Sigaw ulit ni papa.
Bakit pa kasing kaylangan lumipat eh pwede na naman din dito kahit maliit lang itong inuupahan namin.
"Oo, na po!"
●●●
©Choronggie
![](https://img.wattpad.com/cover/43134279-288-k469253.jpg)