Sorry sa Typo.. Enjoy Reading.
Kiss 4
Kate's POV
"Okay, Class, please lang naman mag-aral naman kayo mabuti... blah. Blah. Blah!" Sambit ni Sir. Pinagalitan nanaman siguro 'to ni Pricipal.
Bigla nalang akong napatayo at sinabing
"Sir! Sisiguraduhin ko pong makakasali ako sa Top 100!" Siguradong-siguradong sambit ko.
Maya-maya ay nagsitawanan na silang lahat. Huh?! Anong mali sa sinabi ko?!
"Kate?! May sakit ka ba?! Wala pang nakakapasok sa top 100 na taga Class-E!" Sambit ni Yumi sabay tawa ng malakas. Pati bestfriend ko. Argh.
"Oo nga kate. Wag kanang umasa baka masaktan ka pa!" Aba't #Hugot101
"Imbes na tawanan nyo si Kate ay dapat gayahin nyo sya!" Pagtatangol ni sir sakin kaya na patango ako sa sinabi nya.
...
"Argggh! Ang hirap naman nito!" Sigaw ko.
Ang hirap kasi! 10:48 pm na dapat tulog na ako kanina pa eh sakit na ng ulo!
*took* *took*
"Kate si Tita 'to" sambit ni tita habang kumakatok sa pintuan ko i mean sa pintuan ni Yuki.
"Ohh? Tita, bakit po?" Tanong ko kay tita.
"Alam ko kasing nag-aaral ka kaya pinagdalahan kita ng pagkain" sambit ni tita habang nilalagay nya sa study table yung pagkain na dala nya.
"Hmm. Tita! Ang sarap talaga ng luto nyo!" Masayang sambit ko habang kumakain ng noodles.
"Ikaw talaga! Ay! May ipapakita ako sayo pero secret lang natin 'to." Pabulong na sambit ni tita. Kaya tumango ako.
Lumabas na si tita. Maya-maya may hawak syang tatlong photo album.
"Kate, huwag mong ipagkakalat ito huh?!" Pabulong ulit ni tita na medyo tumatawa.
"Opo." Bulong ko din kay tita.
Pagbuklat ko ng isa sa photo album may nakita akong sobrang cute na batang babae.
"Ah, tita akala ko po ba wala kayong anak na babae?" Takang tanong ko kay tita. Si tita naman na tawa pa.
"Si kyle yan kate." Napanganga ako sa sinabi ni tita.
OHMYGAD.
●●●
©Chorongiee