Kiss 5
Kate's POV
"Pffft..." Mahinang tawa ko habang tinitignan ko si kyle.
Kumakain kasi kami ng almusal. Naalala ko tuloy nung pinakita sakin ni tita na picture ni kyle nung bata pa sya.
Kaya napatawa ulit ako ng mahina.
"Kuya, anong nangyayare kay ate kate?" Pabulong na tanong ni Yuki kay Kyle.
"Nababaliw na sya." Sagot naman ni Kyle kay natawa ulit ako ng mahina.
"Akin na muna yang bag nyo at ilalagay ko tong baon nyo!" Sambit ni tita na inaayos ang takip ng baonan namin kaya inabot na namin.
Tapos na kami kumain kaya kinuha na namin yung baonan.
"Alis na po ako." Walang ganang sambit ni Kyle.
"Kuya sabay na taㅡ " Naputol yung sasabihin ni Yuki ng biglang takpan ni tita yung bibig nya.
"Hindi mo pa tapos yung kinakain mo! Ah, Kate sumabay kana kay Kyle *wink*" Tumango nalang ako sa sinabi ni tita.
"Pero mama! Gusto kong sumabay kay kuㅡ" sigaw ulit ni Yuki.
"Hindi! Ubusin mo muna yan kinakain mo!" Sigaw naman ni tita kay Yuki.
"Alis na po ako tita!" Sigaw ko. Hala, wala na si kyle.
"Magingat kayo....." di ko na narinig yung sinabi ni tita dahil malayo na ako sa kanila.
"Kyle saglit lang!" Sigaw ko sa kanya. Ang layo nya na kasi.
"Saglit lang kyㅡ" naputol yung sasabihin ko ng biglang tumama yung ilong ko sa likudan nya.
Arggh! Ang sakit nun ah!!!
"Hey stupid, una sa lahat wag kang lalapit sa akin. Pangalawa, wag mong ipagsasabi na nakatira ka saamin. At pangatlo, wag mo akong kausapin." Sabay lakad ng mabilis. Natulala ako dahil sobrang lapit ng mukha namin kanina.
Maya-maya dumating na yung bus. Kaya sumakay na kami agad.
Ang layo ko kay Kyle ano ba yan.
May naramdaman akong humawak sa binti ko. Pero hinayaan ko nalang dahil siksikan dito sa bus. Pero biglang tumaas yung hawak nya kaya napanic ako saglit.
Tumingin ako kay Kyle pero bigla syang lumayo ng pwesto. Ugh wala bang tutulong sakin?!
●●●
©Chorongiee