Kiss 3

58 8 2
                                    

Hello~ ito UD. Sorry na sa Typo. Dedicated para kay Reixlene Enjoy Reading~

Kiss 3

Kate's POV

Pag-katapos kung maligo nagbihis na ako. Yung suot kong damit. T-shirt na blue pero maluwag kaunti sakin tapos palada na color white.

(A/n: Paki-tignan nalang sa multimedia)

"Kate! Tara na aba! Ang tagal mo naman!" Sigaw ni papa sa labas.

"Opo! Nandyan na po!" Sagot ko.

Bakit pa kasi kaylangan umalis.

Sumakay na ako dito sa sasakyan namin para makapunta na kami dun sa bahay nun Bestfriend ni papa.

...

"Pa! Hinto! Tigil! Stop!" Sigaw ko kay papa. "Ito na yun pa!"

Kung di pa ako sisigaw malamang sa malamang maliligaw na kami dito.

Bumaba na kami at nakita ang napaka-gandang bahay. Ang laki ng bahay ng bestfriend ni papa.

Nagdoorbell na si papa. Maya-maya bukas na yung gate at iniluwa nito ang kasing edad lang ni papa. Siya siguro yung bestfriend ni papa.

"Uy! Bestfriend! Nan dito na pala kayo! Hindi ka parin nagbabago!" Sigaw nun bestfriend ni papa.

Nagtatalon lang sila na magkayakap. Parang di nagkita ng 10 years.

Maya-maya may lumabas din na babae na kasing edad lang din nila papa. Pero pang-bata ang ayos nya.

"Vic, ito na ba yung kwenikwento mo samin na anak mo?!" Pasigaw na ewan sambit ng babae.

"Ah.. Oo, sya nga pala. Si Kate anak ko!" Masayang sambit ni papa.

"A-ah.. Hello pㅡ" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla nalang ako hilahin nun babae.

Dinala nya ako sa kwartong kulay pink ang pintuan.

"Ay nga pala, ako si Tita Ann. Tita nalang tawag mo sakin." Masayang sambit ni tita ann. "Simula ngayon ito na ang magiging kwarto mo! Ako ang nagdesign nya!"

Pagbukas ng pinto ay tumambad sakin ang napaka-gandang kwarto.

Meron din Bear, may mga manika din puro pink ang makikita mo sa kwartong ito.

"Oh? Panget ba? Ayusin ko nalang ulit." Nagaalalang tanong ni tita.

"Ay tita, hindi po. Ang ganda nga po eh wala lang akong masabi!" Nakangiting sambit ko sakanya.

Maya-maya may biglang kumalabog sa tapat ng pinto kaya na gulat kami i mean ako lang pala.

Wao. Nag-eenglish nanaman ako.

Pagtingin ko sa pinto si K-kyle.

Bakit nan dito sya?! Hala gusto ko ng umuwi!!!

●●●

©Chorongiee

It's Started With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon