Chapter 6

466 8 0
                                    


"Tay, hindi!! Hindi ako sirena at ayokong maging sirena! Nasaan ang inay?!"

Hinanap niya si Ester na nakikinig lang sa kanilang dalawa sa may pintuan. Ngunit hindi nito  kayang tiisin si Lana, kaya pumasok siya.
Agad siyang niyakap ng dalagang namumugto ang mga mata sa kakaiyak.

"Inay...ang sabi po ni itay, anak raw po ako ng isang sirena! Di ba po hindi naman?! Inay, hindi 'yon totoo diba?!!! Inay!!"

Hindi na nakasagot pa  si Ester, at tanging ang  mga mata na lamang nito ang kusang sumasagot sa pamamagitan ng sunod-sunod na pagpatak ng kanyang luha. Tumingin si Lana sa kanya, humihikbing umiiling-iling.

"No....this can't be!!"

Dinampot niya ang balabal at lumabas ng kwarto. At sa kanilang balkonahe ay nakita niya ang kanyang kuya na nakaupong  umiiyak. Bakas sa mukha ni Islao  na may alam din ito patungkol sa kanya.

"Wow, how dramatic...isn't it? You three, deserves an award!"

Mangiyak-ngiyak niyang sabi, at nagtungo sa lugar kung saan siya palaging kumukuha ng bidyu. Walang masyadong tao sa lugar na iyon, kaya kampante siyang walang makakapansin sa kanyang nangangaliskis na mga binti at paa.

Sa dagat niya inilabas ang kanyang mabigat na saloobin.

"I hate you! I hate you!! I hate mermaids! And i swear, i hate being mermaid by choice or by chance!!"

Hiyaw niya. Sobra siyang nasaktan sa pagsabog ng katotohanan tungkol sa  kanyang tunay na pagkatao. Napagod siya at umupo sa maputing buhangin. Hindi niya iniinda ang init ng panahon, nagiging manhid na siya sa unang pagkakataon.

"How funny, hinanap ko yung mga sirena para patunayan sa mga tao na totoo sila. Pero hinanap ko lang pala yung sarili ko. Bakit ganun? Ang baho-baho ko na pero parang okay lang saakin. Unlike before na ayaw na ayaw kong humawak ng isda. Naghahanap na rin  ng tubig dagat  itong katawan ko, and i hate this feeling ever!!"
Wika niya at napahawak na lamang sa kanyang sumasakit na ulo.

"Hindi, i won't allow this to happen...hindi ako pupunta sa laot para hanapin yung mga putanginang kauri ko "daw!"

Tumayo ito at sumigaw ng malakas.
Hindi ninyo ako makukuha!! Ang kapal ng mga mukha ninyong kunin ako, matapos ninyo akong sanayin sa mga bagay dito sa lupa?! F#ck that sh#t! I don't need you, queen!!"

"Lana? Anong nangyayari sa'yo?"

"Ano yung masangsang na amoy?"

Magkasunod na tanong ng dalawang mangingisda. Mag-aayos kasi sila  ng kanilang mga bangka, dahil bukas na ang huling araw ng ban period.

Bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. Pinunasan  niya ang kanyang luha at  dumistansya sa mga ito.

"Ah, n---nag papractice lang po ako para sa vlog ko."
Yumuyukong wika niya.

"Ah, akala naman namin kung napano kana at sumisigaw kang mag-isa."
Saad ng lalaki na napatakip sa kanyang ilong.

"Lana, kanina ka pa ba rito?"
Tanong naman nung isa.

"Ah...medyo po. Bakit po?"

"Wala ka bang naaamoy? Ang baho-baho kaya. Tingnan mo nga d'yan pare, baka natakpan ng buhangin."

Habang abala ang mga ito sa paghahanap sa mabahong amoy, ay may dumapong mga malalaking langaw kay Lana. Nandilat ang kanyang mga mata, hindi siya maaaring magtagal sa lugar na iyon. Dahil maaari siyang kuyugin ng mga ka-isla nila. Kaya naman agad itong tumakbo at naghanap ulit ng lugar na walang tao. Pakiramdam niya'y para siyang kriminal na hinahabol ng batas. Nakahinga na sana ito nang biglang may tumawag sa kanya.

ISLAND GIRLWhere stories live. Discover now