"At bakit ka bumalik dito, Ali?""Arista, sarado na ang lagusan. Nangangamba ako na baka maghinala sila saakin!"
"Meron bang nakakaalam na ika'y umalis?"
"S-----Si Paggy, nakita niya ako kanina. Pero ang alam lamang niya'y mamamasyal ako."
"Sige, 'wag ka na munang bumalik duon, delikado. Mahirap na baka mabulilyaso pa ang mga plano natin."
Wala paring malay ang reyna Hadarah, isang oras matapos itong mahimatay.Tumabi si Lana at kinausap ang reyna. Labis siyang nahabag sa kalagayan ngayon ng kanyang ina. Kinakabahan siya para sa isang malaking responsibilidad na inatas sa kanya. Lalo pa't sa tanang buhay niya, ay hindi pa siya nagiging leader. Kaya hindi nito alam kung paano pamumunuan ang kanyang mga nasasakupan. Ngunit isa lang ang nais niya ngayon, ang mahanap ang gamot na kailangan ng kanyang ina.
"I'm sorry, kung naging bastos ako sa inyo. Sorry kung malayo ang loob ko sa inyo....pero sa mga nalalaman ko at nakikita ko ngayon, pahanon na siguro para yakapin at tanggapin ko kung sino talaga ako. Aaminin ko, natatakot ako...natatakot ako na baka hindi kita mailigtas, gaya nung nabigo kang iligtas ang aking ama. Hindi ko ito kayang mag-isa...kailangan ko ang gabay mo bilang reyna ng buong Azul Paraiso! Bilang reyna naming lahat, at bilang ina ko! Kaya gumising kana, ina!!"
Mangiyak-ngiyak na saad ng prinsesa, at hinalikan ang kanang kamay ng reyna. At napaluha naman sina Abhay, Paggy at Nori.
"Ah, mahal na prinsesa, maaari ba tayong mag-usap?"
Mahinang wika ni Paggy."Tungkol saan, Paggy?"
Tumingin ang pagong sa paligid.
"Mahal na prinsesa, kung iyong mamarapatin, nais ko sanang kausapin ka nang tayong dalawa lang."
"Sige, papaalisin ko sila."
Ngunit umiiling-iling si Paggy, na ang ibig sabihin ay sa ibang lugar sila mag-uusap.
"Saan daw ang kanilang lakad, tatang Abhay?"
"'Yan ay hindi ko alam, Nori. Ang sabi lang saakin ay babantayan ko raw ang mahal na reyna."
At nangyari na nga ang kinakatakutan ni Leandro, ang muling magviral si Lana. Binulabog ng nasabing video ang social media. Na kung saan meron na kaagad itong one point one milyon views sa loob lamang ng isa't kalahating oras. Gulat na gulat silang lahat, lalo na ang mga fans ni Lana. Hindi sila makapaniwala na ang kanilang idolo ay isa palang sirena. Hati ang opinyon o pananaw ng mga tao sa bidyung kumakalat ngayon online. Yung iba ay natutuwa at namangha, samantalang yung iba naman ay natatakot at nababahala na posibleng magdulot ito ng kapahamakan. Aside kasi sa mga naniniwalang mabubuti ang mga sirena, ay meron ding nagsasabing masasama at malas umano ang mga ito, O isang kuro-kuro na hanggang ngayo'y hindi pa nila napapatunayan kung tunay nga bang masama ang mga sirena.
"Hindi yan si Lana, halatang edited yan!"
"Gumagawa na naman kayo ng kwento! Hindi pa ba kayo nagsasawa?!"
"Napakaimposible naman yatang si Lana 'yan! Eh, may dalawang paa nga yung tao."
"Sa dami ba naman ng mga apps ngayon, kayang-kayang i-edit yang mga ganyan!"
"So, tama pala yung usap-usapan sa kanilang Isla, na sirena si Lana!!"
"Totoo yan, hindi 'yan edited!"
"Kaya pala bigla siyang nagpaalam, yun pala isa siyang sirena!!"
"Masasama pa naman ang mga sirena, unfollow na tayo guys!"
"Oo nga, unfollow na!!"
"Done unfollow!"
At sa isang iglap lang ay nalagasan kaagad si Lana ng mahigit limampung libong tagahanga.
YOU ARE READING
ISLAND GIRL
FantasyAng istoryang ito ay patungkol sa isang vlogger na isa palang sirena.