Nagtungo si Arista sa isa niyang kaibigan.
"Haring Pugita, kailangan ko ang iyong tulong."
"Siya nga pala Arista, nakarating saakin na nakikipaglaban ka raw ngayon sa iyong kapwa sirena."
"Kaya nga ako naparito, haring Pugita."
"At ano namang klaseng tulong ang iyong nais?"
"Kailangan ko ng maraming kawal."
Diretsahang tugon nito. Ngunit tumawa lamang ang hari."Napatawa mo ako Arista! Ngunit hindi kita matutulungan pagdating sa usaping iyan. Sapagka't ako at ang aking mga kalahi ay matagal ng namumuhay ng mapayapa at masagana dito sa aming kaharian. Ni walang kaaway nino man, dahil habang tumatanda ako, ay napagtanto kong walang mananalo sa isang digmaan. Kaya hindi ko kayang isugal ang aking mga kauri para lamang sa isang bagay na walang patutunguhan.
"Ngunit magkaiba tayo ng paniniwala, haring Pugita!"
Umaalmang saad ni Arista."Kung gayon Arista, makakaalis kana."
At umalis ito bitbit ang sama ng loob.
Sumugod ang grupo nila Paggy sa lungga ng mga Shokoy. Ngunit tila ginagaya ng mga ito ang kanilang istilo. Binuksan rin nila ang kanilang kweba upang makapasok ang mga sirena. At nung nakapasok na ang mga ito ay dito na nagsimula ang matinding labanan. Malalakas din ang mga Shokoy ngunit hindi kasing liksi ng mga sirena at sirenong kawal. Tusok dito, tusok doon. Hampas dito, hampas doon. At dahil nga wala silang mga kapangyarihan, ay tanging sibat lamang ang kanilang ginagamit sa pakikipaglaban. Bagama't maliliksi ang mga sirena ay medyo tagilid sila sa labang ito, dahil mas marami ang mga Shokoy. Pati si Paggy ay nakikipaglaban din upang makalapit kay Alimasag, na siyang may hawak ng Buhay na Bato. Pero nagtatago siya sa likod ng mga kawal, tinitira lang niya ang kalaban kapag natamaan na ito ng kanyang mga kasama. Samantalang ngumingisi lang si Alimasag na nakatingin sa kanila, pinapanuod lamang silang magpat@y@n.
Dumiretso si Lana sa kweba kung saan nagtatago ang mahal na reyna Hadarah. Todo ingat sila upang hindi maispatan ng mga kalaban. Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang ina, kasabay ng pagtulo ng luha nito.
"Kunting tiis nalang ina ko, gagaling kana. Hahanapin ko ang lunas sa sugat mo kahit anong mangyari."
"Mahal na prinsesa, anong balita sa iyong paglalakbay sa lupa?"
"Tatang Abhay, ayun sa kanilang pagsasaliksik...ang Himalaria raw ang siyang lunas sa sakit ni ina. Ngunit matatagpuan lamang ito sa lugar na may tubig tabang. May alam ba kayo kung saan matatagpuan ang lugar na iyon, tatang Abhay?"
Napa-isip si Abhay.
"Hmm...tubig-tabang, tubig-tabang. Mahal na prinsesa, alam ko na!!"
Masiglang saad niya."Ano iyon, Tatang Abhay?"
"S----Si Paggy. Alam ni Paggy kung saan makikita ang tubig-tabang! Ikinuwento niya saakin noon ang tungkol dun.Saaming lahat ay siya ang palaging lumalabas upang manguha ng Algae. Kaya marami siyang lugar na nadidiskubre.
"Kung----kung ganun, madali lang nating puntahan ang lugar na iyon!"
Ani Lana na malawak ang ngiti."P---pero, nasaan na nga ba si Paggy?"
Maya-maya'y dumating ang isang kawal.
"Mahal na prinsesa, sumugod si Paggy at ang ibang mga kawal sa lungga ng mga Shokoy!"
Hinihingal na wika nito.At mga ilang sandali ay nakalusot din si Paggy at nilapitan niya si Alimasag.
"Traydor ka!!"
"Matagal na. Ngayon mo lang nalaman? (Hahaha)"
YOU ARE READING
ISLAND GIRL
FantasíaAng istoryang ito ay patungkol sa isang vlogger na isa palang sirena.