Chapter 14

370 8 0
                                    


"Sirena! May nakita akong sirena!!"

"Ano raw? May sirena?!! Saan?!!"
Nagkakagulong wika ng mga reporter.

Halos hindi na humihinga si Lana sa sobrang takot. Dali-dali niyang inayos ang kanyang shades at sombrero nang makitang bumaling sa kanila ang atensyon ng mga reporter. Umatras siya ng kunti at tumalikod.  Samantalang si Leandro naman ay bumalik sa loob ng tindahan at nagsara.  At sa dami at ingay ng mga  tao sa kanyang paligid ay hindi na nito nakita kung sino yung taong sumigaw.

"May nakita po kayong sirena? Saan?!"
Tanong ng mga ito.
Bago sumagot si Jerick ay tumingin muna siya kay Lana. Umaasa naman ang dalaga na hindi siya nito ilalaglag. Pero kung sakaling gagawin iyon sa kanya ni Jerick, ay mapipilitan siyang tumakbo.

"Ah, D----dun po sa dagat! Bilisan ninyo lang, nandun pa 'yun!"

Nagkukumahog silang nagtungo sa pantalan. At sa kanilang paglisan ay saka palang nakahinga ng maluwag si Lana. Hinawakan ni Jerick ang kanyang nanginginig na kamay at hinila siya  papunta sa kotse nito. Mabuti nalang at naunang sumakay si Lana. Dahil kung hindi ay makikilala siya ng magshota na hinahanap ang kanyang mga sinusuot sa katawan.

Hinihingal pa din si Lana kahit pa man ligtas na siya. At tila  hindi kayang patuyuin ng aircon ang kanyang pawis.

"T----Thankyou...."

"Are you okay? By the way, ako nga pala si Jerick. Kaibigan ni Leandro. Actually, magkasama kaming dalawa nung pumunta kami sa isla ninyo."

"Ganun ba?! So, alam mo na yung tungkol saakin?!"

"Yeah!"
At pinaandar ang sasakyan.

"S----Saan mo ako dadalhin? Gusto ko sanang makausap si Leandro! Kailangan ko siyang makausap, please?!"

"Don't worry, tatawagan ko siya. But for now, kailangan muna nating makahanap ng safe na lugar kung saan kayo pwedeng mag-usap. Hindi na safe dito."

Ilang minuto nalang ang  nalalabi ngunit hindi parin bumabalik ang prinsesa. Wala ng malagyan ang pag-aalala ni Paggy.

"Paggy, bakit hindi pa bumabalik ang mahal na prinsesa?! Paano kung may nangyari ng masama sa kanya sa lupa?!"
Sambit ng punong kawal.

"Tumigil ka nga riyan, Oceano! Nag-iisip kana naman ng masama! Naniniwala akong magtatagumpay siya.

"Paano nga kung hindi? Tiyak na mananagot tayong lahat nito kay reyna Hadarah!"

Napansin ni Abhay na tila may bumabagabag sa isipan ni Nori.

"O Nori, anong nangyayari saiyo?"

"Tatang Abhay, iniisip ko si Alimasag. Kahapon pa siya hindi umuuwi. Kaya nais ko siyang hanapin!"

"Hayaan mo't uuwi din 'yon. T'yaka, paano ka naman makakalabas eh, sarado ang lagusan."
Teka, bakit parang napapansin ko na mas nag-alala ka yata kay Alimasag, kaysa sa mahal na prinsesa?"

"Tatang Abhay, labis akong nag-aalala sa kanilang dalawa!"
Ani Nori na nakakunot ang noo.

"Silipin mo nga kung nasaan na si prinsesa Lana?"

"Ah, Jerick...malayo pa ba tayo? Hindi kasi ako pwedeng magtagal dito eh!"
Hindi siya mapakali.

"Ganun ba? Pupunta sana tayo sa bahay ko eh."

"Naku, baka malayo pa 'yon...dito nalang! Please?"

"S-----Sigurado ka? Dito sa sementeryo?!"

"O----Oo, sige na."
Huminto sila.

"Ilang oras ka lang ba dito sa lupa?"

"One hour..."

"Kinginang time 'yan! Anong oras ka nagstart?"

ISLAND GIRLWhere stories live. Discover now