At dumating na ang araw na kanilang pinaghandaan. Nakapwesto na ang mga kawal ng Azul Paraiso. At handa na ring makipagpat@y@n ang mga Shokoy.
"Naniniwala akong tayo ang magwawagi sa labang ito. Maghanda kayong lahat! "
"Nakahanda na kami, Arista!"
Sambit ni Alimasag."Ali, lusubin ninyo ang paraiso. Isama mo ang mga malalakas nating kawal. At dalhin ninyo saakin ang mahiwagang taklobo!"
Tumango lamang at ngumiti si Alimasag."Tayo na!!"
"Mahal na prinsesa, handa na ba kayo?"
Tanong ni Paggy kay Lana na tila malalim ang iniisip."Paggy, nag-aalala lang ako. Paano kung walang nakitang gamot yung mga kaibigan ko?"
"Paano mo naman malalaman prinsesa Lana, kung hindi mo sila pupuntahan. Hindi ba't ngayon ang araw na babalik ka roon?"
"Oo ngunit, paano kayo?"
"Mahal na prinsesa, malakas ang ating pwersa. Kung ano yung naging plano natin kagabi, yun na yun. Walang magbabago at walang aatras. Nandito ang iyong lingkod upang tulungan kayo."
"Maraming salamat Paggy, hindi ko maiwasang matakot. Pero lalaban tayo."
Ibinigay ni Paggy sa kanya ang makapangyarihang kwentas. Baka sakaling kailangan niyang maging anyong tao.
"Bakit hindi mo naman ako ginising, pare?!"
"Ayaw mo nun, mahaba tulog mo?"
Ani Leandro habang pinapasok ang sulat sa lagayan ng mineral water."Matalino ka talaga pare."
"Common sense lang, syempre mababasa 'to sa dagat 'pag hindi mo nilagay dito. At kailangan ko ng pumunta ngayon dun. Dahil hindi ko alam kung anong oras siya darating. Kaya dapat ako yung mauna dun, kaysa siya yung maghintay sakin. Mahirap na."
"Haaay, sana makita yan ni Lana, no? Para matapos na yung problema niya. Kawawa naman siya."
"Sana nga Jerick. Dahil namimiss na rin siya nila mang Aming."
"Talaga? Paano mo naman nasabi?"
Aniya at umupo."Galing siya dito kanina at nag-usap kami. Alam mo bang, hinaharas sila ng mga kapitbahay nila?"
"Expected na 'yon pare...ikaw nga dito eh, sila pa kaya?"
Ngunit sa kanilang pag-uusap ay bigla silang may narinig na kalampag. Nasagi pala ni Liza ang mga item na nakadisplay. Pasimple niya kasing kinuhanan ng bidyu ang pag-uusap ng dalawa. At dahil papunta na sa kanyang kinaroroonan ang mga ito, ay nagpakita nalang siya.
"Hi boys! Ah, naisturbo ko ba kayo? Sorry ha? Nasagi ko yung mga ano....aayusin ko lang."
Ngumingiting saad niya ngunit kinahabahan."Kanina ka pa ba dito?!"
"Leandro, ngayon lang. Bakit?"
Aniya habang pinupulot ang mga fishing line.
Ngunit sa sobrang inis ay hinawakan siya ni Leandro at pinatayo."Araaay! Ano ba?! Nasasaktan ako!"
"Talagang masasaktan ka saakin! Alam kong ikaw ang nagpatawag ng media! At anong karapatan mo para gawin 'yon? Huh?!!"
"Fine! Ako nga! Pero diba ang saya?! Pareho na kayong sikat ni Lana! (Hehehe)"
"Pambihira talaga, at ano namang makukuha mo dun, Liza?"
"What a question, Jerick. Syempre, paghihiganti."
Tumitig siya kay Leandro.
"Kasi kung pumayag ka lang sanang makipagbalikan saakin, hindi mangyayari ito! So ikaw lang din ang nagpahamak sa sirenang 'yon!!"
YOU ARE READING
ISLAND GIRL
FantasyAng istoryang ito ay patungkol sa isang vlogger na isa palang sirena.