Chapter 8

418 4 0
                                    

Sa paglisan ni Lana, ay nakaramdam ng lungkot si Leandro. Hindi niya mawari kung bakit. Sa maiksing panahon na nakasama niya ang dalaga, ay gumaan kaagad ang kanyang loob rito. At hindi niya namalayang tumulo na pala ang kanyang luha. Napansin siya ni Aming, tinapik siya nito sa balikat.

"Ano mga kasama? May nakita ba kayong sirena?!!"

"Wala! Nilibot na namin ang buong isla!"

"Pati sa dagat, wala din!"

"Bwesit! Niloloko lang pala  tayo nung taong sumigaw kanina!!"

"So, ikaw yung sumigaw kanina?"
Tanong ni Ester, habang sila'y nakaupo sa sala.

"Opo, ako po."

"Paano mo nalaman yung tungkol kay Lana? Bakit parang hindi ka nagulat nung nakita mo siya kanina?"
Pagtatakang tanong ni Aming.

"Lana, lumapit kana kasi dito! Baka mahulog ka! That's enough!!"

At nakita niya ang pagkakaroon nito ng kaliskis. Hindi lang niya ito pinahalata kay Lana. Kaya pagdating niya sa kanyang bahay ay agad itong nagresearch patungkol sa mga sirena. Hindi siya tumigil hangga't hindi niya nalalaman kung bakit nagkakaganun ang dalaga. At hindi nagtagal ay nakumpirma din niya na si Lana ay isang.....

"S---Sirena? You're a mermaid, Lana?!! No way!! That's impossible!"
Sa gulat ay nasagi niya ang kanyang selpon at nabasag.

"Pero kahit na may nabasa po ako sa internet about sa mga sirena, ay hindi parin po ako naniniwalang sirena si Lana. Kaya nung nakita ko yung video niya kagabi, hindi ako mapakali at gusto kong malaman ang totoo kung bakit siya titigil sa pagba-vlog. Pero ngayon, malinaw na po saakin ang lahat."

"At hindi lang siya basta  sirena...siya ay isang prinsesa."
Sambit ni Aming.

Huminto sa paglangoy si Lana at kumapit sa isang malaking bato. Malayo-layo na siya sa kanilang Isla at tanging mga ilaw na lamang ang kanyang naaaninag. Namimiss na niya kaagad ang kanyang pamilya. Namimiss na niya yung lugar kung saan siya lumaki at nangarap.

"Hintayin n'yo 'ko, babalikan ko kayo!"

"Mahal na reyna, base sa ipinapakita ng mahiwagang taklobo, ay tila hindi alam ng prinsesa kung saan ito pupunta."

"Akala ko ba'y nakahanda na ang lahat, Nori?"
Ani reyna Hadarah na nakaupo sa kanyang trono.

"Paumanhin mahal na reyna, sapagka't kanina ko pa  inutusan  ang punong kawal. Ngunit...."

Ngunit nakarinig sila ng malakas na hilik. Hilik na nanggagaling sa likod ng malaking bato, na nagsisilbing  pintuan nila.

"Intonto de yu!!"
Galit na sigaw ng reyna, na ang ibig sabihin ay wala kang kwenta. Umalingawngaw ang boses nito sa loob ng kweba. Kaya agad na bumangon ang pinuno  at nagbigay galang sa mahal na reyna.

"P----patawad...mahal na reyna Hadarah. Sapagka't ako ay napuyat kagabi sa pagbabantay sa bukana."
Nakayukong wika ni Oceano, ang pinuno ng mga kawal, na kinabibilangan ng limampung sireno.

"Hindi maaaring mapahamak ang prinsesa! Kaya ano pa'ng hinihintay mo, Oceano?!"

"Ora mismo, mahal na reyna."

Gaya nga ng sabi ni Aming, ang mundo ng mga sirena o sireno ay kakaiba sa mundo ng mga tao. May sarili itong batas at paniniwala. At higit sa lahat may kapangyarihan. Ngunit magkapareho pagdating sa pag-uugali, may masama at meron ding mabuti.

Sa pinakailalim ng dagat  matatagpuan ang isang pulo na pinamumugaran ng mga nilalang sa dagat. Walang iba kundi ang mga sirena. Ang nasabing pulo ay mayroong nakatagong kweba, na tinatawag nilang Azul Paraiso.

ISLAND GIRLWhere stories live. Discover now