Austin's POV
Hinintay kong maging maayos ang kalagayan ni Lawrence bago siya kausapin sa unang pagkakataon. Nasa hospital ako noon, hinihintay ko na malaman ang lahat, i wan't to know that truth behind of this shit. Gusto kong malaman ang kahinaan si Garret. I want everything!
"Bakit nandito ka pa?" Mahinang sambit ni Lawrence sa akin.
"Hinihintay kitang magkamalay. Gusto kong makita kang damputin ng mga pulis. Kailangan kong malaman ang lahat!"
"Ng ano? Kung paano ko kinulimbat lahat ng yaman ni Don Abejuela?"
"Kung bakit mo hinayaan na manipulahin ka ni Garret."
"Because..."
"Umamin ka, Lawrence."
Sa sandaling iyon ay hindi ko alam ang malalaman ay magtutulak sa isa pang katotohanan. I was not prepared.
"Dahil papatayin niya ang anak ko," naiiyak na sambit ni Lawrence.
"What are you saying about, Lawrence?"
"Ako ang tunay na ama ni baby Shaniah. Ako ang lihim na kasintahan ni Sugar!"
Sa sandaling iyon ay mas lalong naguluhan ang ulo ko.
Ang totoong ama ni Niah ay ang mismong lalaking inasahan namin at pinagkatiwalaan, tiyak na kung malalaman ito ni Sharina ay hindi niya mapapatawad ito.
"Ikaw?"
"I'm sorry, Austin."
"Kaya ba ayaw mong malaman ni Sharina?"
"Ako ang rason kung bakit nagpakamatay si Sugar noon, ang huli naming pag-uusap ay nag-away kami. Sinabi kong hindi ko siya pananagutan dahil naduwag ako. Pinili kong maisalba ang sarili kaysa isalba siya. Gusto kong umangat sa oras na iyon kaya iniisip kong hadlang lang siya sa mga plano ko."
Natahimik ako sa sandaling iyon.
Na-remember ko ang sinabi niyang running for candidate siya sa kompanya ni ginoong Abejuela nooon. Kaya siguro mas pinili niyang maging manhid.
I also remember na noong time na balisang-balisa si Sugar sa mansyon ay noong napansin kong galing ito sa labas, nasa labas si Lawrence that time, saka tila umiyak pa ito nang mapansin kong namumula ang mga mata nito noon. Napagtagpi-tagpi ko ang lahat sa oras na iyon.
At ang naipit sa pagkakasala nito kay Sugar ay kaming dalawa ni Sharina.
Kami, na siyang tumayo para ipaglaban ang buhay ni baby Shaniah.
"Duwag ka, Lawrence."
"I know." Mapait itong napatawa ng mapakla.
"And how about Garret?"
"I am just using that fucking dork! Hindi mo ba nage-gets ang ginagawa ko, Austin? Gusto niyang kunin ang shares ni Sharina sa mismong kompaniya nila...ako ang inatasan niya sa lahat ng yaman ng mga Abejuela, pero tingnan mo ang ginagawa ko...sa'yo ko binibigay ang lahat n'on dahil alam kong ikaw lang ang makakahawak ng maayos sa shares ni Sharina. Mahal ko bilang kapatid si Sharina, kaya sa huling pagkakataon, gumawa ako ng paraan para makabawi sa lahat ng kasalanan ko."
"At sa sinabi mo'y gusto mo akong maniwala?"
"It's up to you, Austin. Nasa sa'yo kung maniniwala ka sa akin. I am done now. Handa na akong makulong at pagbayarin ang lahat." Sabi pa nito saka itinaas ang dalawa nitong kamay na parang ipinapaubaya na ang lahat sa akin.
"Last question..."
"Yes?" si Lawrence.
"Nasaan nakalibing si ginoong Abejuela?"
Umiling ito sa akin saka nagsalita.
"Buhay pa si ginoong Abejuela. Naka-coma siya sa isang private hospital, pinalabas kong patay na ito para maitago ko kay Garret, dahil alam kong hindi niya ako titigilan kapag hindi ko sasabihing patay na siya."
"I need the whole details..." saad ko pa.
Sa sandaling iyon ay kinuha ko ang papel at ballpen sa bedside table, tapos ipinasulat rito ang buong detalye. Nang maisulat niya ang lahat ay siya namang pagkuha ko n'on.
Mayamaya pa ay nagsidatingan na ang mga police, maingat nilang kinuha si Lawrence at ipinasakay sa wheelchair. Nang makaalis na sila ay ganoon din ang ginawa ko, kailangan kong mahanap si ginoong Abejuela...sa lalong madaling panahon.
---
Georgina Czsharina's POV
"Nanay Selina, gusto ko po munang magpahangin sa labas..." sambit ko sa ginang. Pinahawakan ko sa kanila si baby Niah. Naglakad-lakad ako sa tabing dagat sa oras na iyon. Nagmuni-muni ako habang inaalala ang lahat ng nagdaang sandali namin ni Austin.
Naupo ako sa isang tuyong kahoy saka pinanood ang dagat.
Katunayan, hindi mapigil ng luha ko ang nangyayari. Pagod na ako. Pagod na pagod, pero hindi ko pwedeng bitawan ang pangako ko kay Sugar. Ayokong baliin ang sinumpaan ko rito bago pa ito mamatay.
"Austin, nasaan ka na ba? Ba't ang tagal tagal mong bumalik?!" sigaw ko sa karagatan.
As i am able to wipe my tears ay naramdaman kong may nakamasid sa akin sa likuran.
I saw the shadow that overlaped into my shadow that time. Nakita kong may itinutok ito sa akin, isang patalim. Naramdaman kong maging alerto that time. Saktong pagwasiwas niya sa akin ay nakaiwas ako. Hintatakot akong napatakbo habang tinitingnan kong sino ang nandoon. Oh my god! Sino ang nagtangka sa akin?
"Tulong! Tulong!" nagsisigaw ako sa sandaling iyon." Medyo malayo ang bahay namin dahil napalayo ako sa paglalakad kanina. Napunta ako sa masukal na bahagi ng resort.
Sakto namang walang tao doon. Nilinga-linga ko ang paligid.
Shit! Bakit walang tao dito!
"T-tulong!" Sigaw ko pa. Hindi ko napansin ang malaking bato na siyang rason kung bakit ako natumba at napagapang sa lupa. Sumakit ang buong hita ko dahil tumama ito sa bato.
Nakita ko ang dahan-dahang paglapit sa akin ng isang tao. Naka-hood ito at may hawak na kutsilyo. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil sa dilim.
"Please, huwag, maawa ka sa akin!" paulit-ulit na sambit ko sa taong iyon.
Ngunit laking gulat ko nang masipa ko ito at nadapa rin. Tumambad sa akin ang mukha ni Sugar.
Si Sugar!
Buhay ito!
Pero bakit pinagtatangkaan niya akong patayin?
"S-Sugar? Ikaw ba 'yan?!" sambit ko pa.
"Mamatay ka na Sharina!" sigaw pa nito pero nakailag pa rin ako sa sandaling iyon. I manage to get up and run.
Habol hininga ako sa sandaling iyon, hanggang sa makakita ako ng mga tao sa highway. Nang makita nila ako ay nagtaka sila at agad akong inalalayan.
"Naku, ang babae oh nakuyapan! Tabangan nato!" pagbibisaya pa nila.
"Tabang!" iyon ang nasambit ko. Mabuti na lang at may mga tao na sa oras na iyon. Inilinga-linga ko ang paningin, nawala na si Sugar.
Hindi ko talaga alam kung ano ang sadya niya at kung bakit ito galit sa akin.
Ano ang ginawa kong mali rito?
BINABASA MO ANG
Austin: Wanted Not So Perfect Husband
RomanceAustin Monticillo had all luxury in life. Money, fame, power, perfect family and of course, women he constantly changes depending to his moods. He is a total womanizer. Alam niya iyon, matapos makapag-graduate ay agad niyang pinamahalaan ang kanilan...