Kabanata 74

28 1 0
                                    

Georgina Czsharina's POV

Nang mga oras na iyon ay kakalapag lang namin sa Palau, sakay kami ng helicopter na ka-tie up ng cruise ship. Si Ax na rin ang nagmaneho sa amin papunta doon. Hindi mawala sa akin ang panay na pagsilip sa ibaba, nakikita ko ngayon ang magagandang tanawin. Nabungaran ko na ang magagandang isla sa ibaba. Iyon ang bungad ng Palau.

"Ang ganda!" bulalas ko pa sa sandaling iyon. Napapalakas ang sigaw ko sa sandaling iyon dahil hindi kami magkaintindihan ni Austin, nakasuot kami ng helmet at may earpiece iyon para sa signals namin.

Nakangiti lang siya sa akin. katabi niya si Ax na nasa driver's seat, nasa likod lang ako, ewan ko ba pero sabi ni Austin, he can be a co-pilot to Ax. Hindi ko nga maisip na marunong din pala siyang magpalipad ng eroplano at helicopter.

Ang dami ko pa talagang hindi alam sa asawa ko.

"Malapit na ba tayo?" sambit ko rito.

"Yes." Si Ax ang sumagot sa akin.

"Just chill, Sharina, malapit na tayo," ngisi pa nito sa akin. Nasandal ako habang tanaw ang ibaba. Ramdam ko ang hangin at ang magandang panahon sa isla. Idagdag pa ang asul na karagatan at nag-aagaw na kulay ng berde. A coastal magnificent view.

"Nandito na tayo." Saad ni Ax sabay pindot sa mga button at pagmamaniobra sa harapan nito.

Ramdam kong bumababa na kami sa dalampasigan. Iyon ang sinasabi nilang helipad area ng isla.

May bumungad sa aming mga staffs, ganoon din si Austin na inalalayan ako para makalabas. Sa mga oras na iyon ay sabay kaming bumaba. Nakapaa ako sa sandaling iyon para maramdaman ang magaspang na butil ng dalampasigan.

"Ahh, ang ganda!"

"Welcome to Rampage Island, maam, sir." Iyon ang sambit ng staff na bumungad sa amin.

"Rampage Island?" naibulalas ko sa sandaling iyon, iyon kasi ang island ng isang society, ang Rampage Society. Nabasa ko iyon sa isang magazine before. And, i know na may koneksyon si Ax sa society na iyon.

RAMPAGE SOCIETY, an elite realm of multibillionaire's hidden treasure. Isang napaka importanteng lugar kung saan pinapamugaran ng iba't ibang uri ng anghel.

Fallen angels are the right term, well it's because sila ang mga klase ng anghel that serves their desires and lustful ultimacy.

Money is the password for this society, it is discreetly just for the filthy underground world of bachelors na mismong parokyano ng nasabing club. It is run through upgraded technology called TITANIUM, a safe and easy way not to be trace by someone, lalo na sa access ng taxes and government rules and policy. It is a site with a regular updates and fresh from the sea of bitches and elite woman from all around the world. The highest bid owns the price and legally do whatever they want. It's just a matter of approval from the head of the society, si Suprima X.

Ang leader ng society club na nagpapatakbo dito. Walang ni isa ang nakakaalam sa tunay na identity nito, she's just a woman hiding from a mask and highly placed her pedestal ass in her own throne. Marami na ang nagtangkang e-corrupt ang system nito, but they end nothing but failure. They used all techy tools from all highly genius(es) around the world but still...Suprema X beat them all. She always assure na walang makakagalaw sa lahat ng impormasyon ng kanyang mga anghel.

That was the information i gathered before.

"Tara na." Nakahawak sa baywang ko si Austin that time.

Damn! Ganito ba ka-liberated ang mg a tao dito? Satsat pa ng isip ko habang nag iwas ng tingin sa kung sinong babae na noo'y nasa itaas ng bintana. Masaya pa itong kumakaway sa akin kanina gamit ang kanyang dalawang palad habang nakatopless!

Seryoso?

Parang ayoko nang tumuloy sa islang ito. Hindi ko tuloy maiwasang ma-excite kung anumang posibilidad na mangyari sa amin dito, daig ko pa yata ang batang nakagala sa isang fairytale place.

Hawak ako ni Austin that time na gaya ko ay excited din.


Bumuntung-hininga ako at noo'y nakasalubong ang isang pamilyar na mukha.

"Sharina?!"

It's Raquel!

Ano kayang ginagawa nito dito?

Nagyakapan kaming dalawa that time. Nagkamustahan.

"I'm glad na nagkita tayo dito, Sharina, Austin, wait, bakit kayo nandito? Is this a honeymoon vacation?" sinusundot pa nito ang tagiliran ko.

"Hmm, how about you? Bakit ka nandito?"

Napangiti ito saka umiling. "Nothing, just chilling--relaxing." Nagroll-eyes pa ito.

"If I know, may boylet ka dito ano?"

Tumawa lang ito.

"Well, mas maganda na sumama ka na lang sa amin..." si Austin.

"Oh no! Uh oh! Hindi pwede, moment n'yo ito. Ayokong makasagabal sa inyo, well, sige na, enjoy here. Let's meet up mamaya, may pupuntahan lang ako saglit."

"Where are you going?" sita ko pa rito.

"Sa Casino, maraming boylet doon e," ngisi pa nito sa amin.

Nailing na lang ako. Kahit kailan talaga, napaka-'manizer' talaga ni Raquel.

Nang magwalay kaming tatlo ay dumiretso na kami sa reception area. Hawak pa rin namin ang isa't isa.

"Welcome, maam, sir, are you the visitor's invited by Mr. Collins?"

"Yes." Tipid na sagot ni Austin.

"Okey, sir, maam, come with me, i will show you the way." Sabi pa nito saka pa kami nagpunta sa isang mahabang aisle ng mga nakahilerang kwarto. It was a five storey building and it is very massive. Maganda ang architecture ng gusali at halatang dinesenyo ito ayon sa refreshing aura ng beachline sa Palau.

Nakadagdag rin ng pagiging authentic sa lugar dahil sa glass window type na paligid kung saan makikita sa labas ang magandang ambiance ng dagat.

"Wow, ang ganda naman talaga!" sabi ko pa.

Sa mga oras na iyon, ay agad na kaming sumilid sa elevator, nasa third floor umano ang kwarto namin. Halos hindi ako mapirmi that time, holding Austin's sweating hand.

"Hon, just relax." Narinig kong sambit nito sa akin.

I just smile to him.

"It's my first time seeing this beauty, ang ganda talaga, hindi na ako makapaghintay gumala."

"Don't worry, papasyalan natin ang lahat dito." Sabi pa niya sa akin. Hinigpitan din niya ang hawak sa kamay ko.

"I love you, hon."

"I love you, too." Sagot naman ni Austin.

Austin: Wanted Not So Perfect HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon