Kabanata 78

46 2 0
                                    

Georgina Czsharina's POV

Nakarating na kami sa school sa oras na iyon. Nakita namin ang karamihang magulang na masayang nakikihalubilo sa mga estudyante. Naka-color coding sila gaya namin. Nagsuot kami ni Austin ng kulay violet, iyon din kasi ang gustong kulay ni Niah.

"Daddy, nandoon po ang attendance." Turo naman ni Niah sa bandang kaliwa. Nakaupo doon ang teacher nila.

"Come on, hon. Mag-attendance muna tayo." Hawak ni Austin sa akin.

"Okey, sige." Mabilis kaming lumapit sa table. Binungad naman kami ni teacher Stephanie ng isang mainit na ngiti.

"Hello, mister and mrs. Monticillo. Welcome po sa aming family fun day, mabuti naman po at nakarating kayo."

Ngumiti ako kay teacher Stephanie.

"We are glad too, teacher. Ah, can i talk to you for a second?" anyaya ko rito.

"Oh sure po." Tumayo ito saka sumama sa akin sa gilid, iniwan ko lang si Austin sa table while he is busy writing our names.

Nang nasa gilid na kami ay agad kong tinanong ang teacher kung may napapansin siyang kakaiba sa anak ko sa school, at kung bakit ito matamlay.

"Teacher, I want to clarify something about my daughter. May mga alam ka po ba kung bakit matamlay po siya? napapansin ko po kasi na palagi siyang matamlay kapag uuwi siya sa school. Hindi po siya ganito, masayahin pong bata si Shaniah." Paliwanag ko pa.

"Well, Mrs. Monticillo, mabuti at naopen mo po ito, katunayan po, sinabihan ko na po ang mga ibang estudyante na huwag awayin si Shaniah. Nagsumbong din si Shaniah sa akin about that matter. I settled this issue dahil gusto ko rin po na magkaroon ng healthy environment ang anak mo po."

"Pwede ko po bang matanong kung kaninong anak ang bumu-bully sa anak ko?" tanong ko pa.

"Opo, siya po ang anak ng mayor sa Samal. Anak po ni Mayor Domingo, si Lesly po." Paliwanag ni teacher sa akin.

"Maam, pwede ko po bang malaman kung sino po sa mga bata si Lesly?"

"Uhm, i hope po, hindi ka po gagawa ng eksena sa event na ito." Ani ni teacher.

I just shake my head. "No, maam. Hindi po ako eskandalosa." Ngiti ko pa rito.

"Sige po, si Lesly po 'yong batang maputi saka kulot ng buhok. Ayon po." Turo nito sa batang may kasamang yaya at abalang hawak ang cellphone nito.

"Sige po, maam. Thank you so much po."

Nang mga sandaling iyon ay agad akong bumalik kay Austin, nakaupo na sila sa bleachers doon sa ground kung saan maglalaro ang mga bata ng team buillding.

Nandoon na rin ang ibang teachers para mag-guide sa mga paslit. Nanatili lang kami sa bleachers habang hinihintay ang cue ng mga teachers kung saan kami papasok sa eksena.

Nang mga sandaling iyon ay napansin ko ang pagdating ng isang mayamang babae na nakasuot ng magarang dress. Tumabi ito sa batang nagngangalang Lesly pero hindi ito pinansin ng bata. Walang tatay ang dumating para mag-coach at sumuporta dito, tila wala rin sa mood ang mommy nito at halatang masungit. Ang tanging kasabay lang nila ay ang dalawang yaya at isang bodyguard.

I guess, nasesense ko na kung bakit bully ang batang iyon, kulang yata sa aruga at guidance ng magulang.

"Mga mommies, halina po kayo dito, magstart na po ang first game!" narinig kong sambit mula kay teacher na nasa gitna ng ground.

Agad akong lumapit kay Niah na masayang humawak sa kamay ko. I kissed her cheeks and cheer her. "Kaya natin 'to, anak."

"Opo, mommy!"

Austin: Wanted Not So Perfect HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon