Austin's POV
Nasa likuran ko na sa oras na iyon si Sharina habang nakahawak sa manggas ng damit ko. She seems hesitant at halos nasa dulo lang siya nakaupo ng motor.
"Humawak ka, baka sa kalsada ka pulutin kapag nahulog ka." Mahinang sambit ko rito.
Kahit hindi ko man nakikita ang eksaktong mukha niya, ay nakikita ko naman ang repleksyon niya sa side mirror.
Nakanguso ito. And I know she's totally upset.
"Come on. Bahala ka, aandar na ako." Sabi ko pa rito saka nag-umpisang umandar.
"Oo na." Bulong nito saka dahan-dahang humawak sa making beywang.
"Higpitan mo pa," ani ko habang tinatago ang ngiti sa labi.
"Fine!" sabi pa nito saka umusog at mas hinigpitan ang hawak.
"Let's go." Sabi ko kasabay ng pag-andar. Dire-diretso ang takbo namin sa oras na iyon. Tahimik lang kami sa daan. Nakikiramdam lang ako sa mainit niyang yakap at ang kaniyang malambot na katawan. I am imagining some things while I draw my certain smile to my face. Nakakatuwa talaga ang babaeng 'to! sambit Pa ng isip ko.
"Tumingin ka sa daan!" sita niya sa akin dahil nakikita niya akong sumisipat sa mukha niya using mirror's repleksyon.
"Hanggang Australia, Austin...ang manyak mo pa rin!"
"Shh...if I know na-miss mo rin ako!" sabi ko pa saka nailing. Agad niyang sinundot ang tagiliran ko kaya hindi ko maiwasang gumewang ng kaunti.
"Don't do it," I shake a bit.
"Tumahimik ka kasi..."
"Fine, ikaw na nga 'tong pinapasakay, ikaw pa 'tong demanding..."
"Eh sino bang nagyaya?" dugtong pa nito.
Kahit kailan, ang hilig talaga nitong manggisa. Quota na talaga ako kay Sharina.
Hindi namin napansin na nawawala na kami sa daan. Nagpapalit-palit kami ng tingin ng mapansing papunta na kami sa may kakahoyan. It's quite and elevated. Maraming puno at papunta na rin kami sa mataas na bahagi ng daan.
"Teka lang Austin, hindi yata ito ang daan." Si Sharina.
"That can't be, dito ako dumaan kanina, pero..." napatingin ako sa mga road signs. iba na ang nakasulat doon at tila boundary iyon sa bayan na kinaroroonan namin. Hindi matao ang lugar na iyon.
"Naku, don't tell me, hindi mo alam ang lugar na 'to?" sambit nito sa akin.
Agad akong huminto at nilinga ang daan. dalawang way ang nandoon, it's a long mile road na halos wala na sa direksyon sa mismong country side ng Australia.
"Balik na lang tayo..." sabi ni Sharina sa akin.
Nang paandarin ko ang motor ay hindi inaasahang hindi ito nag-i-start. Nag-alboroto lang ang tunog nito, at maitim na usok ang bumubuga.
"Shit naman!" litanya ko.
"God, don't tell me, we're stranded here?" tila balisang sambit niya saka madaling pumanaog.
"Alright, itutulak ko," sabi pa ni Sharina.
"Seriously?" sabi ko pa, anong iniisip niya? ke-babaeng tao...napaka-arisgada!
"Hindi na...baka magkalasog-lasog 'yang buto mo, ako na lang ang tutulak, ikaw ang sasakay dito."
Tumaas ang kilay niya saka namaywang. "What are you saying? I don't know how to use that freaking thing!" singhal pa nito.
Nakatinginan kami.
"Fine. Maglakad na lang tayong dalawa..." sabi ko pa rito.
"Mas mabuti pa..." she agreed.
Nang mga oras na iyon ay sabay kaming naglakad at hinila ang motor. Naka-alalay lang siya sa kabilang gilid habang nakadikit ang kaniyang kamay sa kamay ko.
Pumagitna sa amin ang katahimikan.
"Magsalita ka naman..." sabi ko pa. She just exhale a bit and shake her head.
"Anong sasabihin ko?" bahagyang nag-iwas siya ng tingin.
"Kahit ano..."
"Hmmm, kamusta si Sugar? Ba't mo siya iniwan sa Pilipinas, nasaan siya ngayon?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.
"She's in a good hands..."
"Kanino mo siya pinakiusapan? She can't handle things in her own...she needs..."
"Can you please stop worrying everyone, Sharina. Bakit ba ang hilig-hilig mong sumalo ng problema?" sa sinabi ko'y tumahimik siya.
"I-i...I'm sorry...I don't mean to..."
"It's alright..." mapait siyang ngumiti.
Pumagitna ulit sa amin ang katahimikan. Naglalakad pa rin kami sa daan at mga bukirin lang ang tanging nakikita ko.
"So, nandito ka ba para suportahan si Vittos?" wala sa isip na tanong niya sa akin.
I cleared my throat.
"Uh, sort of." Nakangiting sambit ko, nakahawak pa rin ako sa motor.
"Cheneck mo sana ang motor mo kanina..."
"Yes, I did."
"Baka walang gas 'yan?" dahil sa sinabi ni Sharina ay nag-side stand ako saka tiningnan ang tanke nito.
"May laman naman..." sabi ko pa.
"Hmm, baka battery, or spark plug, just check it." Sabi pa nito sa akin, na parang may alam yata sa pasikot-sikot sa mga deskripsyon ng motor.
"Let me check," bahagya akong tumingin sa kaniya. "Paano mo nalaman?" confuse na tanong mo.
"I just love to read some books...you know..." nag-never mind hands pa ito, telling that she don't know anything.
Sinunod ko ang sinabi nya. Actually, wala talaga akong alam sa mga sasakyan at mga ganitong bagay. Mas matalino pa si Peruvian at Aries sa bagay na 'to kaysa sa akin. Well, marami naman akong pera para magbayad, why bother?
Nang makita namin ang pagiging loose contact ng wires ay umandar ito saglit. I tried to strike and crang the pedal, at nagawa kong mapaandar iyon.
"Oh see...ang galing ko no?" sabi pa nito sa akin habang nakangisi. Nakangiti lang ako sa sandaling iyon. Kahit kailan talaga, nawawala ni Sharina ang pagiging seryoso ko.
"Come on, sumakay ka na at humawak nang mahigpit, baka dahil 'yan sa yakap kaya nahinto tayo, sumunod ka kasi sa sinasabi ko..." sabi ko Pa saka natatawang umiling.
"Hoy! assuming ka naman!" iling ni Sharina saka sumakay sa likuran ko.
Nagpatuloy kami sa daan hanggang nahanap ang daan. Pagdating namin ay saktong nag-umpisa nang kumain at magsayawan.
Bumungad sa amin ang mommy ni Sharina na tila galit na galit.
"Georgina!" sigaw nito nang hindi pa kami nakakalapit. Nang makababa ito sa motor ko ay isang malakas na sampal ang ginawa niya.
Maging ako'y nagulat sa ginawa nito.
"Mom?" hawak ni Sharina ang kaniyang namumulang pisngi.
"Saan ka galing?!"
"Ma'am, let me explain..." agap ko pa pero imbes na makinig ay kinaladkad niya si Sharina papunta sa nakaabang na kotse.
Nanatili ako sa aking kinatatayuan habang tanaw ang pagsakay ni Sharina. Mabilis itong lumayo. Katunayan, hindi ko alam kung sino ang kasama nito. Tinted kasi ang bintana ng kotse.
Bumalik sa akin ang mommy niya saka mabilis akong sinumbatan. "Don't you ever get closer to my daughter, young man. Alam ko ang pagiging Monticillo mo, now...please. Get lost!" sabi pa nito saka walang anu-ano'y tiningnan ako mula sa aking mukha patungo sa aking paa.
"You're worth nothing, Monticillo."
BINABASA MO ANG
Austin: Wanted Not So Perfect Husband
RomanceAustin Monticillo had all luxury in life. Money, fame, power, perfect family and of course, women he constantly changes depending to his moods. He is a total womanizer. Alam niya iyon, matapos makapag-graduate ay agad niyang pinamahalaan ang kanilan...