Kabanata 2

63 4 1
                                    

Lumipas ang araw na hindi ko nakikita ang mga barkada ko sa dami ng ginagawa kong school activities. Maging siya ay hindi ko na rin gaanong nakikita sa school pagkatapos ng walk out niya sa cafeteria. Kamusta na kaya siya? Okay na kaya sila ng girlfriend niya?

Biglang may dumanggil sakin. Napakunot ang noo ko sa nakita ko. Magkakaron ata ako ng altapresyon ngayon. "Pag minamalas ka nga naman. What the fcking hell are you doing here?" tanong ko sa kanya.

Tadhana, why are you doing this to me? Torture na nga na hindi ko nakikita si Daniel my loves, lalo mo naman akong tinotorture kung itong damuho na to ang lagi mong ipapakita sakin. Be friendly with me please.

Ngumisi lang siya. "Searching." Simpleng aniya. Sinauli niya sa bookshelf ang kaninang hawak na libro at nilagpasan ako. Hindi ko pa nabubugbog ang isang to. That kiss. Fvck! Kay Daniel lang tong labi ko.

"Hoy gunggong! Sino ka ba ha? Ang lakas din naman ng loob mong halikan ako sa harap ng marami." Galit na sabi ko pagkahawi ko ng balikat niya para maiharap sakin. Seryoso niyang tinitigan ang mga mata ko.

Bigla siyang ngumisi at yumuko para matapatan ang mukha ko. "Bakit? Gusto mo bang halikan lang kita pag tayo lang dalawa?" Namula ako sa sinabi niya. Namula sa inis.

Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sakin pero tinulak ko siya. "Ulul! Touch me again or I swear I'll..."

"Love me?" Pagputol niya sa sasabihin ko. "Kill you!" Lumipat ako ng ibang bookshelf. Pero sinundan niya ko.

The nerve of this guy. Kapikon to ah. Calm down Cassandra. You're inside of the library.

"What should I do to be your friend?" Tanong niya na nagpangisi sakin. "Wala! I have enough friends." Sabi ko habang naghahanap ng libro.

"Okay then. What should I do to be your boyfriend?" Tanong ulit niya na nagpalaki ng mata ko. Natawa ako bigla. Sarcastically. "Seriously?" Tumatawang sabi ko.

Napalakas ata ang tawa ko kaya sinuway ako ng nagbabantay sa library. "Ssssh!" Sabay turo ng sign na "KEEP QUIET!" nag thumbs up na lang ako dun sa nagbabantay at ngumiti.

Tumingin ulit ako sa kanya at natawa. Kumunot ang noo niya. "Why are you laughing? May mali ba sa sinabi ko?" Tanong niya.

"Again. Seriously? May boyfriend na ko. So please.." Natatawang sabi ko. Kahit wala dahil asawa ang meron ako. "And so?" Nagulat ako sa sagot niya.

And so and so ka diyan. "And so? Stop following me." Sabi ko sa kanya at iniwan ko na siya. Palabas na ko ng library ng hinigit niya bigla ang braso ko.

"Bitiwan mo nga ako." Sigaw ko sa kanya. Nagpupumiglas ako pero sadiyang malakas at mahigpit ang pagkakakapit niya sa braso ko.

Hinila niya ko kaya natumba ako sa kanya at napahawak sa dibdib niya. "Then what can I do to make you fall in love with me?" Bulong niya sa tenga ko.

Kumunot ang noo ko at itinulak ko siya. "None!" Sabi ko at iniwan na siya dun. Fall in love. Fall in love. Wala na kong panahon para ma fall pa sa iba. Cassandra Sandoval Madrigal. Married na oh. By heart nga lang.

-----

May narinig akong tawanan sa kusina pagkauwi ko. Pamilyar ang tawang to ah. Nagulat ako ng makita ko kung sino ang bwisita namin. I mean bisita. "Kuya Top???" nagulat naman sila mama at papa sa sigaw ko.

Natigil sa pagtawa ang kuya ko at tumakbo sakin para mayakap ako. "Princess! Namiss kita! Namiss ka namin ni Miggy. Ang lungkot namin dun kung alam mo lang. Wala kaming kakulitan." Sabi ni kuya.

Waaaah! Namiss ko si kuya. "Tss. Kakulitan? Baka namiss pagtripan?" Ngumiting si kuya at nag hand sign ng 'konti'. "So where's the other prince?" Tanong ko.

Hanggang Kailan [On Going]Where stories live. Discover now