Kabanata 7

29 4 3
                                    

First time ko magdedicate. Bwahaha. Dinededicate ko ang kabanata na to sa sister ko ;) You know who you are. Para sayo to. Hahaha

Sana wag kang tumigil sa pagbabasa nito. Suportahan mo nalang ako sa kabaliwan ko sister gaya ng pagsuporta sakin ni teebs. Hahaha  

Sabi ka pa ng ganun para matagal ang forever. Hahaha ^_____^V

----

"Be mine. Cassandra." Sabi ni Daniel sakin.

Ngumiti ako at ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya para mayakap siya. Ginantihan niya ko ng yakap na siyang nagpangiti lalo sakin.

Naramdaman kong unti unting lumuluwag ang pagkakayakap niya. Napatingin ako sa mukha niya pero napakunot ang noo ko ng unti unti ko na siyang hindi maaninag.

"Cassandra!!" tawag sakin ng pamilyar na boses. Pinilit kong imulat ang mga mata ko para tingnan kung sino ito.

"Francis?" tanong ko. Tumingin ako sa paligid at kumunot ang noo ko ng mapansin kong nasa cr ako ng Roulette.

"Are you alright?" tanong ni Francis sakin. Bakas sa mukha niya ang pag aalala. Nahagip din ng mata ko ang mga kaibigan kong bakas din sa mukha ang pagaalala.

Umiling iling ako. Ang sakit ng ulo ko at nahihilo ako. Gusto kong masuka pero walang naman akong mailabas. Ano bang nangyari? Parang kanina lang ay kasama ko si Daniel ah?!

Binuhat ako ni Francis na parang bagong kasal at dinala ako sa lounge kung san kami laging nakapwestong magbabarkada. Pinainom ako ni Francis ng tubig para mahimasmasan ako.

Napatingin ako kay Rob ng marinig kong sumigaw ito. Kinakausap niya yung bartender na nakatoka kagabi. Parang pinapagalitan niya ito dahil magkasalubong na ang kilay ni Rob.

Iminwestra ni Rob ang kamay nito sa pinto ng bar habang kausap yung bartender. Tumingin muna yung bartender sa gawi namin nila Francis at saka umalis na ng bar.

"Cass. Okay ka lang ba?" Pag aalala ni Bobbie. Napatingin ako kay Bobbie at ngumiti.

"Okay na." Simpleng sagot ko at ininom ulit yung tubig ko.

"Nakita mo ba si Daniel kagabi?" Pabulong na tanong ko kay baklita na nasa tabi ko ngayon. Umiling iling lang ito. Napabuntong hininga nalang ako.

"Sorry for what happened Cass." sabi sakin ni Rob ng makalapit na siya samin.

"What happened?" kunot noong tanong ko sa kanila.

"Nilagyan nung hayop na yun ng pangpatulog yung iniinom mo kagabi." Inis na sabi ni Francis.

"Kung hindi ka pa nakita ni Francis, baka kung ano na ang nagawa sayo nun." Dagdag ni Enzo.

Nakaramdam ako ng hilo kaya naman nagpaalam ako sa kanila na uuwi na muna ako. Nagprisinta naman si Francis na ihatid ako.

Tulala akong nakatingin sa labas ng bintana. Nakakalungkot namang isipin na panaginip pala yung pagtatapat sakin ni Daniel.

Nagulat ako ng hawakan ni Francis ang kamay ko. "Are you alright now?" tanong nito sakin.

Napatingin ako sa kamay nitong nakahawak sa kamay ko pagkatapos ay bumaling ako sa mukha niyang bakas ang pagaalala. Tumango tango ako at ngumiti ng bahagya.

"Thank you!" nakangiting sabi ko ng makarating na kami sa tapat ng bahay ko.

Pababa na ko ng sasakyan niya ng biglang niya hilahin yung braso ko para maiharap sa kanya. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

"I'm sorry." Bulong niya sa tenga ko. Kunot noo ko siyang tiningnan ng ilayo niya ko ng kaunti sa kanya.

Ngumiti lang siya sakin pero bakas parin sa mukha niya ang pagaalala. Hindi ko na inusisa kung bakit siya humingi ng tawad sakin dahil na rin sa gusto ko nang magpahinga.

Hanggang Kailan [On Going]Where stories live. Discover now