Kabanata 20

22 2 0
                                    

"I love you Cassandra. So much. At yun ang importanteng sasabihin ko sayo."

Pakiramdam ko ay namula ako kaya tumungo ako sa dibdib niya. Narinig ko naman ang pagngisi niya at mas idinikit ako sa katawan niya.

"You're so beautiful lalo na kapag nahihiya ka." Natatawang aniya.

"Stop it!" Nakakunot ang noo pero natatawang sabi ko sa kanya na nagpatawa lalo sa kanya.

"What?" Nakangiti siya habang sinabi niya yun. Gosh! Kevin Daniel Madrigal bakit ba ipinanganak ka na ganyan ang itsura mo!!

"Bumabawi ka ha?" Sabi ko sa kanya ng iangat ko ang ulo ko. Agad naman niyang nahuli ang paningin ko. Pakiramdam ko ay malulusaw ako sa titig niya na kita mo sa mga mata niya ang kasiyahan at sensiridad sa mga salitang binitawan.

Tinitigan ko lang siya na para bang na hypnotize ako ng mga mata niya. Ilang beses na ba akong nagpasalamat na naging akin siya? Hindi ko maisip na mapupunta ako sa iba. Ganun din na siya ang mapupunta sa iba. Sa tingin ko ay mababaliw ako kapag nangyari iyon.

Alam kong mabilis ang mga pangyayari sa aming dalawa pero ayokong mabilis din siyang aalis sa buhay ko. Ang gusto ko ay siya ang makasama ko sa habang buhay.

Dahan dahang niyang inilalapit ang mukha niya sa akin pero bago pa man din niya maangkin ang labi ko ay agad ko siyang naitulak ng marinig ko ang boses ni Miky.

"Tito, can we go home?" Sabi ng cute na si Miky habang kinukusot ang mata niya dahil sa pagkakatulog.

Nagkatinginan kami ni Daniel at parang bumalik ang hiya ko kaya lumayo ako sa kanya at lumapit ako sa cute na batang ito at umupo para magkapantay kami.

"We will.." Sabi ko kay Miky habang pinipisil ang pisngi nito saka ko inayos ang kulot niyang buhok dahil medyo nagulo ito.

"Let's go?" Sabi ko pagkatayo at pagkaharap kay Daniel.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil nahihiya akong tingnan siya ng matagal kapag medyo malayo ako sa kanya dahil parang nawala yung pagkahypnotize ko kaya naglakad na ako at hinila na si Miky.

Narinig ko nanaman ang ngisi niya at naramdaman ko nalang ang braso niya na pumulupot sa baywang ko.

-----

"Cass! Pacheck naman if okay na 'tong ginawa ko." Sabi ng classmate ko na partner ko sa reporting.

"Hmm. Sige ako na gagawa. Iwan mo na diyan. Kumain ka na." Sabi ko dito at nagpasalamat siya saka umalis.

Gaya ng sabi ko, madami kaming paper works ngayon sa school dahil malapit na kaming gumraduate. At ngayon ay malapit na naming matapos ang report namin kaya hangga't maaari ay tatapusin ko ito hanggang ngayon.

Hindi na ko masyadong nakakasama kanila Bobbie sa sobrang dami ng ginagawa ko talaga at naiintindihan naman daw nila.

Kagabi nga ay nag Roulette sila. Dalawa daw kaming wala, ako at si Francis. Hindi ako nakasama dahil maaga akong pinapapunta ng classmate ko para sa finalization nitong mga papel na 'to.

Nagsusulat ako ng notes para sa report ng may nagbato sa akin ng isang nakalukot na papel. Kunot noo kong inangat ang ulo ko para tingnan kung sino yun pero wala akong nakitang tao sa classroom.

Bigla naman ako nakaramdam ng takot. Alam kong bali balita na may nagpaparamdam dito sa building namin pero hindi ako naniniwala. Don't tell me eto na yun?

"Kung sino ka man. Nagbibiro lang naman po ako nung sinabi ko na hindi ako naniniwala hanggang hindi ko nakikita. Paalisin mo muna ko, please." Bulong ko.

Hanggang Kailan [On Going]Where stories live. Discover now