Kabanata 41

21 2 0
                                    

Naalimpungatan ako sa naramdaman kong sakit sa aking ulo. Napahawak ako doon habang nakahiga sa aking kama. Hinilot ko ang aking sintido. Ugh! Bakit ka ba nasakit?! >.<

Bigla ko naalala yung kagabi. It was a fun night. I had fun. Nakapagbonding ako kanila Alvin at sa iba pa. Sanay akong uminom pero grabe yung kagabi. Kaya din siguro masakit ang ulo ko'y naparami ako ng inom at dala na rin siguro ng antok kagabi.

Buti nalang ay bago ako nakaalis ay nakapagpaalam ako sa kanila... Nakapikit pa ko ay napakunot ang noo ako bigla. Nakapagpaalam ba ko? Napahawak ako sa aking noo at inalala pa ang nangyari kagabi.

Kwentuhan, biruan, tawanan, inuman. Naalala kong nagpaalam ako na pupunta ng cr and then naghilamos ako at nag retouch tapos lumabas ako ng cr at nakita si... Francis...na naghihintay sa akin...sa labas ng cr...at nang makita ako...lumapit siya sa akin...but I...I passed out.

Naimulat ko bigla ang aking mga mata sabay upo. No way. Iginala ko ang paningin sa kwarto at tiningnan ang suot ko. Nakahinga ako ng maluwag. It's mine. Unit ko ito. Siguro ay tinawag niya si Alvin para ihatid ako dito because I'm sure na hindi nya ako maihahatid dahil hindi niya alam 'tong unit ko.

Pinasadahan ko ng suklay ang buhok ko gamit ang aking kamay at napahiga ulit. God! Ang sakit ng ulo ko!!

Miya miya ay tumayo ako para lumabas pero napatingin ako sa aking repleksyon sa salamin. Kunot noo kong tinitigan ang suot kong plaid red cotton short at white tshirt. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o magagalit o matatawang nagawa pang palitan ni Alvin ang damit ko.

Nagpatuloy ako sa paglabas sa kwarto habang natatawa ng bahagya. Hindi ko alam na maaatim pala ni Alvin na bihisan ako ng pantulog. What now? Change of heart?

Napailing ako at saka dumiretso sa kusina. Nagtimpla muna ako ng hot chocolate bago umupo sa rattan na hanging egg chair para tawagan si Alvin. Tanaw ko ang mga naglalakihang buildings at mga kalye ng BGC.

"Hello?" halata sa boses niya na nagising siya dahil sa tawag ko.

"Hello? Alvin?!"

"Hmm? Who's this? Cassandra?" Kumunot ang noo ko.

"Yes. What happened to you?" Tanong ko pagkatapos ay humigop ng tsokolate.

"Gosh!! My head is aching. Ugh!! I don't wanna come with them na kapag may mga ganitong inuman. Gosh!!"

Natawa ako bigla. Naalala ko sa kanya si Miko. Ganyan din siya sa tuwing napaparami siya ng inom. Napasinghap ako. Nawala sa isip ko na umuwi ng maaga kahapon para tawagan siya pero if I call Miko now, paniguradong tulog pa iyon dahil anong oras palang doon ngayon. Tawagan ko nalang mamaya.

"Nakauwi ka ba ng ayos?" Kumunot ulit ang noo ko.

"Huh? Hindi ba ikaw ang naghatid sa akin?"

"Nope. I can't even move my legs and arms kagabi sa dami ng sinerve na inumin sa atin. And kanina lang kami nakauwi nila Rob. Those guys were devils!! Ang laki ng bahay alak!!"

Naipatong ko sa table sa gilid ng inuupuan ko ang mug na hawak ko. It's not Alvin?? So si Francis ang naghatid sa akin??!

"At hindi din kami nakaalis agad because Francis and Enzo got into a fight inside Roulette. Kinailangan pa naming pumagitna para pigilan sila." inaantok na sabi niya.

Phew! I thought it was Francis. Buti naman at hindi siya. If not him or Francis, sinong naghatid sa akin?

"Okay. Nakakahiya mang itanong but...sino sa inyo ang naghatid sa akin?" hinimas ko ang sintido ko.

"Hmm.. Wait.. Let me recall.. Hmmm.. Well.. I think I saw Kuya Top and Miguel with Ewa and..." Napasinghap siya sa huling salita.

"And?"

Hanggang Kailan [On Going]Where stories live. Discover now