Kabanata 49

6 1 0
                                    

Tulala akong nakatingin sa kalsada. Unti-unting iniintindi ang pagtatalo ng puso at isipan ko. I don't why I'm confused. I shouldn't be, diba?

Back when I was still a high school student. Kapag ganitong nalilito ako, I always follow what my heart says. Siguro dahil bata pa ako noon? Na sa tingin ko puso lang ang nagdidikta sa isang tao lalo na pagdating sa pagibig.

Marami akong hinangaan noon pero the first time I saw him..Iba. Nag-iba ang tingin ko sa ibang lalaki. Like most of them are manloloko except him. Lahat masasama except him.

Sino ba namang mag-iisip ng masama sa isang tulad niya kung malalaman mo ang background niya, hindi ba? His mom died when he was still in high school. Maaga siyang humarap sa responsibilidad bilang presidente ng kanilang kumpanya. Wala pa akong nabalitaan noon na nagloko siya nung nagkaron siya ng girlfriend. Who would dare to think of ill things about him? No one.

Kaya nung makilala ko pa siya ng todo ay mas minahal ko siya ng todo. Perpektong lalaki ang tingin ko sa kanya noon dahil na rin siguro sa yun ang unang impression ko sa kanya.

Pero huli na nang marealize ko na wala namang perpektong tao sa mundo. Tayo lang ang gumagawa ng katangian ng isang tao dahil lang sa yun ang gusto nating makita sa kanya.

"Saan naka-check in ang kaibigan mo?" Tanong niya habang hawak ang manibela. May diin ang pagkakasabi niya ng salitang kaibigan.

Saka lang ako napabaling sa kanya. Bumaling din siya sa akin ng ilang segundo bago itinuong muli ang paningin sa kalsada dahil umandar na ang kotseng nasa harap namin.

Tinanggap ko ang alok niyang ihatid kami sa bahay. Hindi ko alam kung bakit ako umoo pero pakiramdam ko ay hindi din naman ako hihindi sa alok niya.

Alam kong maling umasa na magkabalikan kami pero kahit siguro yung pagiging magkaibigan namin bago naging kami ang maibalik. Kahit yun lang. Okay na sa akin yun.

I will tell him about Jako soon pero hindi muna sa ngayon. I need to focus on my job here aside from my son. Gaya ng sabi ko noon. Hindi naman kami magtatagal dito. I for sure can manage both companies while I'm not here.

Miko is sitting at the back. He's silent now and I don't know why. Nung una ay dinadaldal pa niya ako at boses panlalaki pa talaga ang ginagamit niya. He's doing that in purpose dahil kanina bago kami sumakay ay may sinabi siyang may plano siya.

Ayokong lingunin siya ng lingunin dahil lingon din ng lingon sa akin si Daniel kapag ginagawa ko iyon.

"H-he's staying with me and kuya. S-sa bahay." Nagaanlinlangang sabi ko.

I heard him sighed. Tila nawalan ng pag asa sa isang bagay.

"So deretso na tayo sa bahay ngayon?"

"Yes,"

Ilang minutong katahimikan ang nangyari bago siya nagsalita ulit.

"Isa ba siya sa mga kaibigan mo doon?"

"Uh.. Oo."

"Siya ba ang lagi mong kasama?"

I glanced his way pero nakatuon lang ng mariin ang paningin niya sa kalsada.

"Yes."

Nakita kong kumuyom ang kanyang panga. Sa tingin ko ay may gusto pa siyang itanong pero pinipigilan nalang niya ang sarili.

I don't know why I wanted to smile. Pinipigilan ko lang dahil ayaw kong magtanong pa siya ng magtanong ng kung ano ano. Pakiramdam ko ay nararamdaman ko kung ano man ang nararamdaman niya ngayon.

Hanggang Kailan [On Going]Where stories live. Discover now