Kabanata 28

12 1 0
                                    

Namula ako sa sinabi niya. Kinukuha ko ang kamay ko para takpan ang mukha pero ayaw niyang bitawan.

"Akin na nga!" Sigaw ko sa kanya. Nangingiti na ako. Damn it, Kevin Daniel!!

Narinig ko siyang tumawa at nilagay ang kamay namin sa dibdib niya. Naka stop pa kasi ang sasakyan kaya napapapikit siya sa kakatawa. Agad ko naman siyang hinampas ng makawala ang kamay ko sa hawak niya dahil nanghina na siya.

"Aray naman," daing niya habang natatawa pa .

"Ang ganda mo talaga lalo na kapag namumula ka.." Puri niya habang nakatingin sa akin.

"Ewan ko sayo." Sabi ko at inirapan siya.

Kinikuha niya ulit ang kamay pero hinahampas ko siya. Tawa lang siya ng tawa.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na masaya siya o hindi dahil para na siyang baliw. Seryoso siya tapos miya miya bigla nalang siyang tatawa.

Nakarating na kami sa parking ng condo niya. Agad akong bumaba ng sasakyan at dumiretso sa elevator. Parang akong timang na nangingiti habang naglalakad papasok dito.

I should be angry at him but his army won't let me. Pinindot ko na ang close button pero naagapan ni Daniel ang pagsarado nito.

Bumaling siya sa akin ng may panunuyang tingin.

"What?" Mataray na tanong ko. Pero kanina pa bumibilis ang kalabog ng puso ko sa tuwa.

"Gusto mo atang i-kiss kita kaya sinasarado mo agad.." Ngumuso siya at kinulong ulit ako sa mga bisig niya.

Uminit ulit ang mukha ko kaya hinampas ko siya.

"Magtigil ka nga!" Angil ko sa kanya. Tumawa lang siya. Kainis!

Bargas e. Minsan napaka ingay nya. Lalo kapag kaming dalawa lang. Kapag may ibang tao naman napaka seryoso niya. Akala mo lahat ng makasalubong may atraso sa kanya.

Which is kabaliktaran ko. Tahimik ako kapag kaming dalawa lang pero maingay ako kapag kasama ko mga kaibigan ko.

Nagmadali akong lumabas ng elevator at tumigil sa harap ng unit niya. Kita ko sa gilid ng mata ko na sumandal lang siya gilid ng pinto at humalukipkip.

Damn it! Hindi ako makatingin. Lalo lang bumibilis ang tibok ng puso ko. Nakakainsecure naman ang titig ng lalaking ito.

Pero ganun pa man ay buong lakas akong bumaling sa kanya. Naabutan ko siyang pinaglalaruan ang labi gamit ang daliri niya.

"What? Hindi mo ba bubuksan? Are we going to stay here the whole time?" Tanong ko sa kanya.

Ngumisi siya. God. Damn. It!! Bakit ba ang sexy ng lalaking ito lalo nakapag nangisi siya? He's wearing a simple white v-neck shirt and dark blue maong pants.

Ngumisi siya. Nangatog ang tuhod ko ng lumapit siya sa akin at ipinulupot ang braso niya sa bewang ko. I swear! Kung may paa lang ang puso ko kanina pa ito nanakbo sa kaba.

"Galit ka ba talaga sa akin at kinalimutan mo ang password ng unit ko?" Malambing niyang tanong.

Nanlaki ang mata ko at namula ang pisngi ko. Agad akong humiwalay sa kanya at hinampas siya.

Humalukipkip ako. "Wala ka bang kamay at hindi mo mabuksan ng iyo ang unit mo?" Tanong ko.

Bigla siyang tumawa. Nakakapanlambot ng tuhod. His voice is music to my ears. Napahawak ako sa dibdib ko at humarap sa pinto niya. Easy, heart.

"Then we're gonna stay here the whole night I guess?" Aniya at niyakap ako kahit nakatagilid ako.

"You're here so I'm fine with that." Bulong niya gamit ang namamaos na boses.

Hanggang Kailan [On Going]Where stories live. Discover now