Kabanata 12

29 4 1
                                    

"I'm happy for you, Cassey! Grabe! Kinikilig ako." Sabi ni Bobbie sa kabilang linya.

Sinabi ko na sa kanya na kami na ni Daniel. Nung una ay ayaw pa niyang maniwala pero dahil nasa kabilang linya din si bakla, naniwala na din siya.

"Thank you." Natatawang sabi ko.

"Ay nako Bobbie. Mas kikiligin ka kung nandoon ka at nakita mismo ng dalawang mata mo." Sabi ni Alvin na halata sa boses ang pagkakilig.

"Sira ka talaga baklita. I'll hang up. Mag aayos lang ako. See you both later." Sabi ko sa kanila at pinatay ko na ang tawag.

Ilang linggo na rin ang lumipas nung maging kami ni Daniel.

Ibang kasiyahan ang nararamdaman ko sa tuwing gigising ako sa umaga at iisiping nakuha ko na ang gusto ko.

Nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko at napangiti nang maalala ang mga nangyari sa Tagaytay.

Napahawak nalang ako sa labi ko habang ang isang braso ko naman ay yakap yakap ang unan na nasa tabi ko.

Para akong teenager na paikot ikot sa kama ko dahil sa sobrang kilig at saya.

Finally! Nakuha ko na ang puso ng lalaking matagal ko nang pinapangarap.

Tinignan ko ang sarili ko sa full body mirror sa kwarto ko ng makaligo na ako at makapagbihis.

"Okay na to." Bulong ko sa sarili ko. Ripped jeans. Plain black shirt. Red sneackers. Gray beanie.

Napatingin ako sa kama ko ng biglang nag ring yung phone ko.

"Hello?" Sagot ko at bumalik ulit ako sa full body mirror para tingnan ulit ang sarili ko.

"Nasaan ka na? Don't tell me hindi ka makakasipot dahil may boyfriend ka na?! The whole gang is already here." Sabi ni Bobbie na nagpangiti sa akin.

Inayos ko ang mahaba kong buhok na di sadya ang pagkakakulot sa dulo at naglakad papuntang kama ko para kunin ang mga gamit ko.

Nagpaalam ako kay Daniel pero hindi siya pumayag dahil puro lalaki daw ang nandoon.

Mas lalong hindi siya pumayag ng malaman na kasama ko si Francis at Alvin.

Natawa nalang ako at sinabi sa kanya na kasama ko naman si Bobbie kaya pumayag na rin siya.

"Silly! Ofcourse not. See you later Bobbie." Sabi ko sa kanya at pinatay na ang tawag.

Naririnig ko na ang malakas na tugtog dito sa labas ng Roulette. Nag taxi nalang ako para mas madali akong makapunta sa venue.

Binati ako ng bouncer na nasa entrance ng bar kaya nginitian ko naman ito at tinapik sa braso.

Napatigil ako at napatingin sa dami ng tao ngayon na nagkakasiyahan at nagsasayawan sa gitna ng dance floor.

Bago pa man ako makalakad at pumunta sa vip lounge, nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin mula sa likuran ko.

"I taught hindi ka na darating." Sabi ni Bobbie na biglang sumulpot sa likod ko.

"Ako pa ba?" Sabi ko sa kanya ng nakangiti.

"Nagpaalam ka ba kay Papa K?" Tanong ni Alvin na sumulpot naman sa kabilang gilid ko at bumeso sa akin.

"Ofcourse." Nakangiting sabi ko at bumeso rin ako sa kanya.

"Nasan na yung iba?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

Well nakita ko na si Yohann sa dance floor kanina at may kasayawan na apat o limang babae sa paligid niya.

"Nag cr lang si Kirby. Rob is at the counter, talking to his cousin. Yohann is on the dance floor." Sabi ni Bobbie habang isa isa niyang tinuro kung nasaan ang mga kaibigan namin.

Hanggang Kailan [On Going]Where stories live. Discover now