Chapter 12 : How do I Want to be Courted?

103 82 1
                                    

We arrived na sa school.

Shocks!! hindi kinaya ng aking heart ang mga pangyayare kanina jusmiyo marimar.

Kanina pa nag-start ang klase namin at kanina pa salita nang salita itong teacher namin pero bakita ganon, yung boses lang ni trivon ang nag-e-echo sa taenga ko??

"Ms varnea, are you listening?" Nagulat ako sa biglang pagtawag sakin ni maam sungit.

Patay, kay ma'am sungit pa na tapat.

"Opo ma'am, I'm listening po" I bit my lips, feeling anxious from the thought na mapapagalitan ako ni ma'am.

Nakita ko naman na tumaas ang kilay ni ma'am sungit.

Paktay mukang hindi pa naniniwala.

" Tsk! Okay good. Now let's move on to our next topic. " My mouth was in awe at the fact that ma'am sungit didn't get mad at me.

Himala? Himala talaga??? Hindi nag-beast mode si ma'am sungit? Anong nakain nito?

Hindi pa rin ako makapaniwala habang pinapanood si ma'am na nag-d-discuss na para sa next topic nya.

Kasi hindi naman sya ganon, kapag may nahuhuli syang sabog, tinatadtad nya ng tanong about sa topic na tinuro nya, kaya grabe nakakapanibago...? Totoo ba 'to??

"Is the world healing na ba talaga?" Bulong ko sa sarili ko.

"She's in love" Bulong naman ng katabi ko, but still enough for me to hear it. Narinig nya ata yung sinabi ko kanina.

Pero wait... In love??? Si ma'am sungit in love??? Kanino??? Weh ba???

Napalingon naman ako kay tyle dahil doon sa sinabi nya.

At tumango tango sya na para bang alam na nya ang sagot sa itatanong ko.

Napatakip na lamang ako ng bibig.

Bigla ng nag ring ang bell, sign na tapos na ang subject na 'to.

Pinanood ko si ma'am na lumabas ng classroom na nakangiti.

Nakangiti?? Himala talaga!!!

Lumingon na ako kaagad kay tyle.

"Totoo nga!! In love si ma'am!! Ngayon ko lang sya nakitang lumabas ng classroom na ganoon kalaki ang ngiti sa muka!!" I exclaimed, but just enough for me and for him to hear it.

"Told you" Sabay ngiti nito, exposing his dimples.

Delikado 'to kapag ngumingiti, kung ibang babae ang nginitian nya ngayon malamang nangingisay na yon sa kilig.

"Chismosa ka" sabi ko at tinawanan sya.

"No I'm not" pagtanggi naman nito.

"Yes you are, Mr. Virgosyo" at pinanliitan ito ng mata.

"Everyone in the campus knows it, it's not my fault that you're too focused on your crush to the point you don't even know what's been happening to other people" then he just shrugged.

Napahawak ako sa aking dibdib at pinakita ang expression ko na tila ba'y medyo nasaktan sa kanyang sinabi.

Pero tinawanan nya lang.

"Wow ha. Wow talaga" at inirapan ito.

Hindi ko alam kung paano kami naging ganto ka-close pero yeah we're close now to the point na pinapakitaan na nya ako ng attitude. Why so attitude girl? Char!

"Buti pa si ma'am luma-love life na." I stated with a pout in my lips at napabuntong hininga.

"Eh ikaw?" Napatingin naman ako kay tyle na ngayon ay nagpipigil ng tawa.

Courting Him Where stories live. Discover now