Kabanata 1: Pagkakataon

42 8 0
                                    

Maaari mong kumbinsihin ang isang tao sa pagdating ng pag-ibig, ngunit hindi-hindi mo ito, maaring pilitin...

      Sa mataas na estado ng kanyang ama, doon nakatira ang isang binata na si Alex. Siya'y labinlimang taong gulang na nag-iisang anak... "Paalam na po ama, punta na po ako sa paaralan" banggit ni Alex... "Sige iho, mag-ingat ka sa paglakbay mo" sabi ng kanyang ama...

Nagpaalam na si Alex at naglakbay na papunta na sa kanyang paaralan. Nung lumakad siya patungo doon, ay nakita niya ang babaeng kanyang hinahangaan. Kay-haba ng kanyang itim na buhok at kay-ganda ng kanyang hitsura. Naglakad ang dalaga palapit sa kanya at nagtanong;

"Pwede mo ba akong samahan sa paglakad patungo sa paaralan, Alex?" hiling ng dalaga sa malambing na tono. "Ah, oo naman. Mas mabuti nga na may kasama ka eh. Hehe." Sagot ni Alex sa mahiyain na tono... "Salamat, Alex." Sagot ng dalaga...

Sila'y naglakad ng magkatabi, ngunit walang pag-uusap. Nag-iisip si Alex ng paraan para makipagsimula siya ng usapan sa kanya... Ngunit walang salitang lumabas sa kanyang bibig. Sila'y naglalakad ng tahimik lamang hanggang sila'y dumating na sa kanilang destinasyon...

Nagbigay ng matamis na paalam ang dalaga bago pumunta siya sa kanyang silid-aralan... Nagpaalam na rin si Alex sa kanya, sapagkat siya'y nagsisisi sa dahil hindi niya na kayang makipag-usap sa kanya. "Napaka duwag ko naman" sabi niya sa kanyang sarili, ng paulit-ulit. "Kailan kaya ako magkakaroon ng lakas ng loob na para kausapin siya. Sana nga makausap ko na siya... Sana nga" -salitang nasa isip ni Alex...

Nung nasa aklatan si Alex nagbabasa, hindi niya inasahan si Katherine, ang dalagang nagustuhan niya ay, dadating at uupo sa harapan niya... Gayunpaman hindi pinansin ni Katherine si Alex nung umupo na siya... Naka ngiti si Katherine habang siya'y nagbabasa sa kanyang aklat na kinuha...

Nasa harapan lang sila sa isa't isa ngunit silang dalawa ay tahimik lamang. Nakalipas ang ilang minuto ngunit hindi parin sila nag-uusap. Sila'y parang mga estranghero na nagkilala sa pagkakataon lamang. Sapagkat, lahat ay biglang nagbago, nang nagsalita na si Alex sa wakas...
"Katherine" banggit niya sa mahinahon na boses... Lumingon si Katherine at tumingin siya sa kanyang mga mata... "Po? " sagot niya sa kanyang malambing na boses... Medjo napahiya niya si Alex, bago dinagdagan niya ng... "May kailangan ka ba sa akin?" tanong ng dalaga... "Ah, wala, gusto ko lang sana makipag-usap sayo" sagot ni Alex. "Oh?" sabay ng kanyang mga maselan na darili ay isinira niya ang aklat niyang binasa. Lumapit si Katherine sa kanya sa matikas na paraan at nagtanong;

"Iyon lang ba ang hiling mo, Alex?" Ang amoy ng dalaga na kay bango ay iniwan si Alex ng hingal na hingal. "Opo" sagot ni Alex habang ang kay-lapit ni Katherine sa kanya. Dumistansiya medyo si Katherine at duon sila'y nag simulang mag-uusap. Maliliit na pag-uusap lang iyon sa una, ngunit ito'y naging mahaba nung naging komportable na sila sa isa't isa...

Nagpatuloy ito hanggat sa tumunog na ang kampana... Ilang oras na pala ang lumipas, at mag alas-singko na sa hapon. Nagpaalam ng maayos ang dalagang si Katherine bago siya tumayo at umalis. Hindi ikinala ni Alex na sila'y nag-usap na sa wakas. At sa ngayon, napagtanto na nga ni Alex na... Na siya'y lalong nahulog para sa dalagang babae na si Katherine... "Pwede ba kaya?" tanong niya sa kanyang sarili....

Haranang MapaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon